BATAY sa affidavit ni JB Sebastian na ipinasa sa house inquiry noong Lunes, taon 2014 nang ipatawag niya lahat ng gang leaders ng New Bilibid Prison sa kaniyang kubol. Ito ay sinegundahan ni Vicente Sy.
Sabi ni Sy, pumunta siya sa nasabing meeting kasama ang iba pang gang leaders. Dagdag niya, nandoon si De Lima sa meeting.
Si JB Sebastian daw ang naging tagapagsalita ni De Lima. Sinabi raw ni Sebastian sa nasabing meeting na dapat silang magbenta ng droga upang makapag-ipon ng pondo para sa pagtakbo ni De Lima.
MALACAÑANG ON FVR
Nag-react na ang Malacañang ukol sa naging pahayag ni former President Fidel V. Ramos sa 100 days ni PRESDU30. Nagpahayag ang dating pangulo ng pagkadesmaya sa first 100 days ni PRESDU30.
Matatandaang isa si FVR sa nagtulak kay DU30 na tumakbo noong eleksiyon last May 2016.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na ang naging assestment ni FVR ay “worth looking into.”
Naiintindihan daw nila at naa-appreciate kung saan nanggagaling si FVR. Ngunit kailangan din daw matanggap at maintindihan ng lahat na si PRESDU30 ay may sariling vision para sa ating bansa.
RONNIE DAYAN IPINAAARESTO
Nagkaroon ng botohan ang House Justice Committee para i-hold si Ronnie Dayan in contempt. Si Ronnie Dayan ay naging security aide ni De Lima noong siya ay Secretary of Justice pa lamang.
Ang botohan ay naganap matapos hindi siputin ni Dayan ang hearing kaugnay ng proliferation of illegal drugs. Binibigyan nila ng 24 oras si Dayan simula Lunes na mag-submit ng kaniyang letter of explanation.
Nagsabi si Fariñas na si Dayan ay bibigyan ng order na dalhin or arestohin para dalhin sa committee at makapagbigay ng testimonya sa harapan ng committee.
Si Dayan ay matatandaang naaakusahan na tumanggap ng drug money para sa pangangampaniya ni De Lima, na nababalita ring nobyo ng Senadora.
Ms. U HINAHARANG!
Nagbigay ng petition letter ang ilang grupo ng kababaihan sa Ms. Universe organizing committee, na humihiling na i-hold muna ang pageant na magaganap dito sa ating bansa sa January 2017.
Kabilang sa mga petitioner ay si former Presidential Peace Adviser, Ging Deles, 1970 Ms. International, Aurora Pijuan atbp.
Ang rason sa likod ng petisyon na ito ay walang iba kundi si PRESDU30. Ayon sa petitioners, naniniwala sila sa “objectionable, scandalous & demeaning sexist attitude demonstrated by the President.”
Ang nasabing petition ay sinusuportahan ng supporters ni De Lima, na para sa kanila ay nagiging biktima rin ng matalas na dila ng Presidente.
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego