INILINAW ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting regional director Oscar Albayalde na tatanggapin ng Philippine National Police (PNP) ang mga drug test result mula sa mga celebrity kung ito ay kinuha sa ilalim ng pangangasiwa ng pulisya o mula sa Philippine Anti-Crime Laboratory.
“This is to ensure the credibility of the test result,” paliwanag ni Alba-yalde.
“If they will conduct, hopefully in front of the crime laboratory personnel or even in front of Chief PNP monitored by police personnel. I’m sure our Chief PNP will be glad to do them, the TV networks, a favor,” dagdag niya.
Ang pahayag ng hepe ng NCRPO ay alinsunod sa NCRPO report na kompirmadong patuloy na nadaragdagan ang listahan ng mga celebrity na sinasa-bing gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga.
“The number has soared to 54 after Sabrina M and Krista Miller named other celebrities they transact with,” ayon kay Albayalde.
Patuloy na umaapela ang NCRPO sa mga TV network at ta-lent center na boluntaryong isuko o atasan ang kanilang mga alagang artista na suma-ilalim sa drug testing para makaiwas sa Oplan Tokhang.
Idiniin din niya na nararapat panindigan ng mga celebrity ang kanilang papel bilang mga insiprasyon sa kabataan kaya mahalagang mamuhay nang naaayon sa altuntunin ng ating lipunan na walang bahid ng pagkalulong sa ipinagbabawal na mga gamot.
ni Tracy Cabrera