KALABOSO ang isang 26-anyos stepfather makaraan ireklamo nang panggagahasa sa kanyang 5-anyos stepdaughter sa Sta. Cruz, Maynila.
Kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse law ang isinampa laban sa suspek na si Godfrey Calag, self-employed at residente ng Street 30, Manila North Cemetery, Blumentritt Street, Sta. Cruz.
Ayon sa lola ng biktima, iniwan sa kanya ang biktima ng ina ng paslit upang magtrabaho ngunit nagkwento sa kanya na ‘kinakalikot’ ng kanyang ‘Daddy’ ang kanyang kaselanan.
Kinabahan, agad tiningnan ng lola ang kaselanan ng bata at nakitang namamaga at may lumalabas na mabahong katas.
Nagpasya ang lola na ipasuri sa doktor ang bata at nakompirma ang hinala makaraan makitang naimpeksiyon ang maselang bahagi ng katawan ng biktima.
( LEONARD BASILIO )