Friday , November 15 2024

Kasinungalingan uli

00 Asar TaloAMMAN, Jordan—Dapat nang aksyonan ng Philippine government itong infamous group na Bantay at Kasangga ng OFW Int’l., Inc. Jordan Chapter dahil sa kanilang nefarious activities. Dapat nang tuldukan ang kanilang paghahasik na lagim dito at parusahan sila.

Mantakin ba namang umarya na naman sila sa pagkalat ng kasinungalingan sa social media Facebook na hindi raw tinutulungan ng Philipine Embassy ang isang overseas Filipino worker na kasalukuyang nasa malubhang kundisyon sa isang ospital dito dahil sa sakit na diabetes.

Ala, e, tinutulungan ng embahada ang naturang worker at katunayan ay may pinadala na ring financial assistance ang Department of Foreign Affairs para makatulong din sa gastusin sa ospital.

Kaya kasinungalingan uli ang ikinalat ng Bantay Jordan Chapter, na pinamumunuan ng isang Dionisio C. Daluyin, Jr., na hindi tinutulungan ng PE ang worker.

Dapat sa mga bugok na gaya nireng Bantay ay patawan ng mabigat na parusa para matigil na ang kanilang panloloko ng OFWs.

Kanselahin ang pasaporte ng mga hindoropot at palayasin dito sa Jordan!

***

Nangangailangan daw ng bantay sa ospital itong worker na sinasabi ng Bantay ang Kasangga ni Daluyin na hindi tinutulungan ng Philippine Embassy. Itong worker (itatago ko muna ang pangalang) ay nasa malubhang kundisyon na.

Ala, e, ano kaya ang ginagawa nitong grupo ni Daluyin na Bantay at Kasangga ng OFW?

Ngayon nila dapat patunayan na sila nga ay totoong nagmamalasakit sa mga OFW gaya ng nakalagay sa isa nilang social media Facebook page na (inilalagay ko dito in toto) “We CARE, SERVE and PROTECT our OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW)”. Sus, ginoo!

Bagaman alam na nina Daluyin ang pangangailangan nitong malubhang OFW, e, wala silang ginagawa para siya matulungan. Tsk, tsk, tsk!

Talaga bang sa pambababoy at pambabastos lang ng OFWs  maaasahan ireng Bantay at Kasangga na gaya ng ginawa ng founder at chairman nitong si Albert Lawin Guanzon sa Saudi Arabia noong taong 2013? Talaga bang sa ka-demonyohan lang magaling ang hinayupak na grupong ito? Nagtatanong lang po!

Abangan!

***

Hanga ako sa kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa na ipinapakita nitong grupo ng Filipino cyclists dito na binubuo nina Richard Masa, Maya Eugenio, Fernando Domingo, Jo Sanchez, Alex Manalo at Maxima Hidalgo. Saludo ako sa kanilang mabuting pagkatao.

Biro n’yo, mga padrino ko, aktibo silang lumalahok sa mga fundraising project at iba pang aktibidad na naglalayong tumulong sa kapwa maging ito ay Filipino o mula sa iba pang lahi.

Kamakailan ay lumahok sina Masa, Eugenio, Domingo, Sanchez, Manalo at Hidalgo sa 15-kilometer Cycle for Hope kaugnay ng fundraising project ng King Hussein Cancer Foundation para sa cancer survivors. Sila ay lumahok hindi lamang para pagbigyan ang imbitasyon ni Lucie Algas-Claud, isang Filipina na nakapag-asawa ng Jordanian citizen at breast cancer survivor, kundi para na rin mapatunayan sa lahat na sila ay nakahandang dumamay at tumulong sa kapwa at sa mabubuting adhikain na gaya ng proyektong ito para sa dumaranas ng nakamamatay na sakit na cancer.

Sana ay dumami pa ang overseas Filipino workers na tulad nina Richard Masa, Maya Eugenio, Fernando Domingo, Jo Sanchez, Alex Manalo at Maxima Hidalgo! Kahanga-hanga ang kanilang kabutihan!!

Mabuhay kayo, mga mare at pare ko!

Abangan!!!

***

Binabati ko si SPO4 Edmundo T. Batalla sa kanyang promotion bilang police inspector kamailan. Siya ay konektado sa Appari Police Station sa lalawigan ng Cagayan.

Si Batalla, na kasalukuyang sumasabak sa training, ay maybahay ng aking pamangkin na si Maridol de Rivera-Batalla at anak ng aking hinangaang magiting na yumaong General Eduardo Batalla.

Congratulations, Inspector Bong Batalla!

ASAR TALO – Dodo R. Rosario

About Dodo Rosario

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *