Durano nagbigay ng P1.5M kay De Lima
Marnie Stephanie Sinfuego
October 7, 2016
Opinion
ANG convicted criminal na si former P03 Engelberto Durano ay nagbigay ng kaniyang testimonya kahapon sa harapan ng House Justice Committee.
Taon 2014, buwan ng November or December ay tinawagan daw siya ng kaibigan na si Jeffrey Diaz, alias “Jaguar.” Si Jaguar daw ay nagpapatakbo ng drug business sa probinsiya ng Cebu.
Inutusan umano siya ni Diaz na personal na magdala ng pera kay De Lima sa opisina ng “Commando Gang” sa Bilibid. Ang pera ay inilagay niya daw sa kahon ng sapatos at binalot ng gift wrapper. Ang nasabing kahon ng pera ay personal niya raw na iniabot kay De Lima sa baluwarte ng Commando Gang na pinamumunuan ni Jb Sebastian.
Hanggang ngayon ay patuloy na itinatanggi ni De Lima na may kinalaman siya sa drug trade sa Bilibid.
PAOLO DUTERTE: MAY SENATOR
NA GUMAGAMIT NG COCAINE
Sinabi ni Vice Mayor Paolo Duterte na may isang Senator na gumagamit ng cocaine.
Ito ay kasunod ng pag-announce niya na hindi siya dadalo sa pagdinig ng senado tungkol sa extra judicial killings, kahit na isa siya sa dinidiin ni Edgar Matobato na may kinalaman sa DDS.
Hindi naman pinangalanan ni Duterte ang sinasabi niyang Senator, sasabihin daw niya kung sino ito pag nakuha na niya ang kaniyang ebidensiya.
Nag-react naman si Sen. Antonio Trillanes IV sa isang naganap na press conference, sabi niya, “Ang sa akin, i-name na lang, ‘wag na tayong mag-blind item. If you’re sure about the information, sabihin mo.”
TRILLANES LUMAPIT
KAY GORDON
Kusa daw pumunta si Sen. Trillanes IV sa opisina ni Sen. Dick Gordon upang pag-usapan ang naging pagtatalo noong nakaraang hearing. Dahil dito bumilib si Gordon kay Trillanes, Trillanes was “man enough” to come to his office and talk. Dagdag niya, minsan may mga bagay na iisa lang ang kanilang paniniwala at meron din magkasalungat. Walang personalan.
Para naman sa kasalukuyang committee chair, si De Lima ay isang mabuting kaibigan. Handa rin siyang makipag-usap kay De Lima in a civil way. Hanggad din ni Gordon na sa susunod na hearing ay wala na si Matobato bilang witness.
APPROVED: P3.25-T
NATIONAL BUDGET
Dakong 7:02 pm, last Wednesday, naaprubahan na ang P3.25 trilyon budget ng administrasyong Duterte para sa 2017.
Naaprubahan ang budget sa second reading kasama ang 268 Congressman. Ang pag-apruba ay naging earlier than expected dahil ang pag-aapruba ay inaasahan sana na mangyari ngayong araw. Ang budget ay ikakalat sa iba’t ibang kawani ng gobyerno para mas maayos na maibigay ang pangangailangan ng mamamayang Filipino.
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego