Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

We will not negotiate — DUTERTE

If you’re horrible to me, I’m going to write a song about it, and you won’t like it. That’s how I operate.” — Taylor Swift

PASAKALYE:

Masakit na maloko o malinlang subalit mas masakit kung sino pa ang iyong minamahal (lalo na kung kamaganak pa) ang gagawa nito sa iyo!

Naranasan ito ng mahal kong anak nang minsa’y maloko siya ng kapamilyang pinagkatiwalaan. Subalit nangyari man ito sa kanya, pinayuhan ko siyang limutin na lang at bumangon mula sa pagkakalubog sa kumunoy na kinasadlakan niya matapos na lokohin ng kanyang pinsan.

Ipagpapasa-DIYOS na lang po naming ito…

PABOR ang Pangil sa pagbatikos ni Pangulong RODRIGO DUTERTE sa panghihimasok ng United Nations (UN) at European Union (EU), at maging ang mayayabang na mga Amerikano, sa mga kaganapan dito sa ating bansa.

Tunay ngang itinuturing nating mga Pinoy ang Estados Unidos bilang ‘Big Brother’ subalit tulad din ng magkakapatid, mayroon sa kanilang lumilitaw na mapang-abuso, gaya na nga rin ng pinapakita ng mga Kano sa nakalipas na ilang dekada, o isang siglo,  simula nang sakupin nila tayo bilang kolonya mabigyan tayo ng kalayaan at kasarinlan sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Subalit karamihan sa ating mga Pinoy ay hindi nakikita ang katotohanang ang mga Amerikano ay tumutulong sa atin hindi para sa ating kapakanan kundi para sa kanilang pakinabang.

Dito maiisip ang isang katanungang lumitaw nang minsa’y mag-text sa atin ang isa nating kababayang inabandona ng kanyang amang Amerikanong sundalo. Hindi ba ilang libo ding mga kababayan natin ang nilahian ng mga Kano at nang magsilang ay sadyang iniwan sa dalampasigan para umasang isang araw ay makakarating sila sa binansagang ‘Land of Milk and Honey’. Ang totoo, hindi ‘Land of Milk and Honey’ ang US kundi ‘Land of Promise’ dahil maraming pangako ang mga Amerikano na hindi natupad at isa lang ang naranasang maganap—ang pangako ni Gen. DOUGLAS MACARTHUR na “I shall return!”

Kaya ngayon, mas dapat nating kumiling sa kasabihang “It is better to have a friendly neighbor (like China) than a distant relative (such as the United States)!”

So in the end, nakasuporta kami sa pahayag ni Pangulong DUTERTE na we will not negotiatekung ang kapalit ay ang ating pinangangalagaang soberenidad!

Nais lang madiskaril si DUTERTE

ANG sabi ni Israel spokesperson na si EMMANUEL NAHSHON, “Philippine President will find a way to clarify his words.”

Sa palagay ko mas nakakauna itong si G. NAHSHON sa mga salitang binitawan ni Pangulong RODRIGO DUTERTE hinggil sa pagbanggit  kay ADOLF HITLER sa pagpatay sa 3 milyong Jewish people. Mayroon siyang reservation sa nasabing statement ni Pres. DUTERTE. Binigyan niya ng pagkakataong magpaliwanag si Pres. DUTERTE sa kanyang sinabi. Hindi katulad ng iba diyan na hinusgahan na ang ating Pangulo. Hindi muna inaalam ang punot-dulo kung bakit nakapag comment ang Pangulo ng ganoon. Nais lamang talaga ng mga galit sa Pangulo na madiskaril ang kanyang pamamahala. Na maimpeach siya sa kanyang puwesto. Tingnan mo ang U.S. President BARACK OBAMA hindi na nagcomment sa pagmumura ni Pang. DUTERTE kundi kinansel na lamang ang kanilang meeting. Mas malalimang pang-una ni Pres. OBAMA kay Pang. DUTERTE kaysa sa ibang mga lider ng bansa.

Iyan ang produkto sa kanyang matagumpay na pagsugpo sa droga. Kaliwa’t kanan ang batikos. Lahat ay gagawan ng kwento upang matigil na ang kompanya laban sa droga na malakingepekto sa kabilang panig na nagsusulong ng droga sa ating bansa. — Rodel  A.  Esravel ng Sto Nino, Guadanoville, Caloocan City (rodelesravel298 @gmail.com, Oktubre 3, 2016)

Pagbubuwis sa bonus ng empleyado

DOON sa mga nagbabalak na buwisan ang bonus ng tao at alisin ang discount ng senior citizen ay hindi naman po katanggap-tanggap sa aming pangkaraniwang mamamayan. Tulad na lang po sa akin, marami ng sakit sa katawan, malaki po ang kaalwanan sa budget ng pamilya ang discount na ibinibigay ng gobyerno sa katulad kong senior citizen.

Kaunti na lang pong panahon ang ilalagi namin dito sa mundo. Huwag naman pong alisin ang privilege na ito para sa aming senior citizen. Gawin na lang po ninyo na itaas ang tax ng mga items na luxury at ang lahat ng corporations affiliated sa gobyerno nang sa ganoon ay maparami ang pondo sa kaban ng bayan. Huwag na pong mas lalong pahirapan ang mga ordinaryong mamamayan na isang kahig isang tuka. Huwag na pong baguhin ang batas na implement na. Bagkus umisip na ibang paraan upang madagdagan ang pondo ng bayan na hindi maaapektuhan ang budget ng mga ordinaryong mamamayan. — Zyrenne A. Yumul  ng Balagtas, Bulacan (zyrenne555yumul @gmail.com, Oktubre 3, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *