Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Agot, aktibo rin sa teatro bukod sa telebisyon

MUKHANG babaeng walang pahinga si Agot Isidro. Walang pahinga pero maganda pa rin.

Sa halip na sumosyal-sosyal siya sa kung saan-saan tuwing wala siyang taping sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN 2, o kaya ay makipag-date-date sa mga sosyal na kalalakihan, mas gusto n’yang mag-rehearse para sa isang stage play.

The past few weeks, ang pinagkaabalahan n’yang rehearsal ay para sa  Torch Musical na Changing Partners, na kasama n’ya sina Sandino Martin, Anna Luna, at Jojit Lorenzo.

Sa isang studio theater ng PETA Theater Center sa Quezon City itinatanghal ang Changing Partners at may natitira pang isang weekend sa October 21-23.

Love story ang Changing Partners. Love story na may elemento rin ng LGBT (lesbian-gay-bisexual-transgender). Ganoon naman daw sa totoong buhay ngayon, ayon sa writer-musical director nitong si Vince de Jesus. (Si Vince rin ang composer-lyricist ng mga awitin sa show. Wow, ganoon siya ka-genius!) May love affairs ngayon na ang katrianggulo ay isang lesbiana o bading. After all, ang dami ngayong lesbians na ‘di mukhang tomboy at mga bading na machong-macho. At marami rin daw totoong bisexuals ngayon: mga lalaki at babaeng nakikipagrelasyon sa opposite gender at sa kaparehong gender—pero ‘di sila mukhang tomboy at ‘di pumipilantik ang mga daliri. Para sa kanila, walang gender ang pakikipagrelasyong sexual at romantic.

Eh ano naman ang ginagawa ng isang mahusay na teleserye actress sa isang musical?

Marami na ang nakalimot, o talagang ‘di alam, na bilang singer at recording artist nagsimula sa showbiz si Agot. Google n’yo pangalan n’ya bilang singer at madidiskubre n’yong may mga album siya at concert. Actually, mula siya sa pamilya ng mga mang-aawit. Siya at ang dalawa n’yang nakatatandang kapatid na babae ay naging back-up singers sa mga concert ni Sharon Cuneta at ng iba pang pop idols bago siya naging solo artist.

Nakaganap na rin si Agot sa ilang musicals, bagamat mas madalas nga siyang kunin sa straight plays. Ang Rabbit Hole ng Red Turnip Theater ang huling straight play na nilabasan niya. Si Rem Zamora, na miyembro ng Red Turnip Theater,  ang direktor ng Changing Partners.

Alam n’yo bang marami na ring nalabasang indie films si Agot? Again, if you Google her name, madidiskubre n’yong ang ilan sa mga nilabasan n’yang indie films ay award-winning bagamat hindi sumikat, hindi naging commercial hits.

Bakit nga ba parang sinasadya ni Agot na maging isang babaeng walang pahinga?

Matagal nang hiwalay si Agot sa mister n’yang visual communication artist na si Manu Sandejas (na panandaliang naging wheather man ng TV 5). Parang ‘di sila nagkaanak. Ang pagiging abala bilang aktres ang pinampupuno n’ya sa mga bakanteng oras. Alam n’yang di n’ya kailangang maging malungkot, sawimpalad, lasengga, o drug-user dahil sa mga pinagdaanan n’ya sa buhay.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …