Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trillanes vs Gordon

DAHIL sa nangyaring sagutan nina senators Richard “Dick” Gordon at Leila De Lima noong Lunes sa hearing, sinabi ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV sa una, na dapat magpakalalaki siya at humingi ng tawad sa baabeng senador.

Dagdag ni Trillanes, “Gordon falsely accused De Lima, a person part of the committee.’

Nag-walkout si De Lima habang ongoing ang hearing sa Senado, matapos makipagtalo kay Sen. Gordon na siyang pumalit sa kaniyang posisyon bilang head of committee.

Samantala, si De Lima ay humingi na ng tawad sa publiko ukol sa kaniyang emotional outburst. Labis lang daw siyang nasaktan dahil sa pag-aakusa sa kaniya.

AGUIRRE MAY BAGONG
ALAS KAY DE LIMA

Kahapon sinabi ni Sec. Aguirre II na magpepresenta sila ng mga witness na personal na nag-aabot ng drug money kay De Lima.

Kabilang sa bagong witness ang dating security ng Senadora na si Joenel Sanchez.

Si Sanchez umano ang tumanggap ng drug money in behalf of De Lima.

Hanggang ngayon ay itinatanggi ni De Lima ang bintang na kasabwat siya sa illegal drug trade sa Bilibid.

Sinabi rin niya na ang House proceedings ay isang sham.

LACSON HINDI BILIB
KAY MATOBATO

Sadyang hindi kombinsido ang ating kamay na bakal na si Sen. Panfilo Lacson sa mga pahayag at testimonya ni Matobato.

Aniya, pinaiikot lang ni Matobato ang lahat ng mga tao pati ang mga nasa Senado. Giit din ni Lacson, inaaksaya lang ni Matobato ang kanilang oras.

Kaya nais, isulong ni Senator Lacson ang request upang itigil na ang hearing tungkol sa Davao Death Squad o DDS.

PUMATAY SA TRAFFIC
ENFORCER ARESTADO

Nahuli na ang isang alias Jhun sa Dream Land Hotel, Apaàri, 11:55 pm nitong Lunes sa pangunguna ni acting Chief of Police C/Insp. Pepito Mendoza Jr.

Si alias Jhun ang itinuturong pumatay kay traffic enforcer Ernesto Paras Jr., noong Setyembre 30. Si Paras ay binaril at inatrasan pa pagkatapos barilin.

Bago nito ay lumapit si Paras sa suspect para sa isang violation.

Dinala na si Paras sa Quezon City para maimbestigahan at para sa press conference sa Camp Crame.

MARK ANTHONY FERNANDEZ
DI NA NADALA

Lunes, pasado alas-otso ng gabi ay nadakip ang actor na si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga. Matapos siyang umiwas sa isang checkpoint at nakipaghabulan sa mga pulis. Ang aktor ay nadakip at nakitaan nang halos isang kilong marijuana sa kaniyang sasakyan.

Isinailalim sa inquest proceedings ang aktor kahapon, sinabi niya na ang marijuana ay ginagamit niya bilang gamot, at hindi niya alam na may marijuana sa kaniyang sasakyan. Siya ay nagpositibo sa marijuana pero negatibo sa droga.

Matatandaan na si Fernandez ay sumailalim sa rehabilitasyon noong 2004 dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …