Thursday , December 19 2024

Tataas ang presyo ng langis—ECOP

SA susunod na mga buwan malamang  tumaas  ang  presyo ng langis, ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Donald Dee sa pagtalakay ng usapin ukol sa nananatiling business climate sa bansa sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila.

Ipinunto ni Dee na walang mainam na aksiyon ang Estados Unidos para sa sariling interes nito kundi isulong  ang  pagtaas  ng presyo ng langis dahil mas nanaisin na hindi mag-kagulo sa Gitnang Sila-ngan bunsod ng pabagsak na ekonomiya ng nasa-bing rehiyon, partikular sa Kingdom of Saudi Arabia.

“Kapag tumaas ang langis malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya dahil magreresulta din dito ang pagtaas sa presyo ng maraming bagay, kabilang ang pangunahing mga bilihin,” aniya.

Binigyang-diin ng pa-ngulo ng ECOP na kaila-ngang bigyang-pansin ng administrasyong Duterte ang pagkakaroon ng food security dahil dito masusu-kat ang husay ng punong ehekutibo sa adhikain nitong pagandahin ang kalagayan ng mahigit 100 mil-yong Pinoy.

“The president has shown that he has the will to improve the life of his cons-tituents. He is doing it—planning for the future. It is his implementors who should follow suit, especially his economists,” ani Dee.

Samantala, nagpahayag ng agam-agam ang ilang ci-vic group at militante na nagsasa-bing maaaring hindi tumagal si Pangulong Duterte at bago matapos ang unang taon nito sa panunungkulan ay malaki ang posibilidad na maging biktima ng asasinasyon.

Ayon sa tagapagsalita ng isang grupo, na humiling na huwag  nang ipakilala ang kanyang pangalan, sa mga kaganapan kamakailan, dumarami ang bumabatikos sa pangulo  at isa na rito ang ilang pinuno sa Estados Uni-dos na sa ngayo’y nararamdaman na ang pagkalas ng pamahalaang Filipinas sa bigkis ng mga Amerikano.

“Dati-rati kapag tinawagan ang ating pangulo ng mga Amerikano ano mang oras kahit hatinggabi, agad na sinasagot ito at kadalasan ay pumapayag sa kahili-ngan ng US. Ngunit ngayon ay 50-50 sila dahil mas lamang na tanggihan sila ni Duterte,” anito.

Nagparamdam din na magiging malaking dagok para sa bansa kung magi-ging biktima ng asasinas-yon ang dating alkalde ng Davao City dahil muli na namang maaantala ang pagsulong na naging inis-yatiba ni Duterte para sa Filipinas.

“Huwag naman sanang mangyari pero kung hindi mapipigilan ang ganitong balak, kailangan magkaisa ang buong sambayanan para suportahan ang pangulo sa kanyang adhikain na maisaayos ang bansa tungo sa kaunlaran at katatagan,” pagtatapos nito.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *