Monday , December 23 2024

Paglaganap ng illegal na sugal at prostitusyon bubusisiin sa Konseho

NAIHAIN na ang resolus-yon ng isang grupo ng konsehal sa Maynila na naglalayong magsagawa ng imbestigasyon ukol sa paglaganap ng ilegal na sugal at prostitusyon sa lungsod.

Sa ilalim ng titulong ‘A resolution seeking to conduct an investigation on the proliferation of illegal gambling operation (sic) and prostitution in the city of Manila,’ ang nasabing hakbang ay ginawa matapos maiulat sa mga pahayagan ang reklamo ng mga may-ari ng establisimiyento sa lungsod ukol sa isang grupo ng mga konsehal na ‘umiikot’ upang manghingi ng P30,000 hanggang P60,000 kada buwan at bilang kapalit ay hindi umano sila gagambalain o ipasasara ng nasabing grupo na binubuo ng apat na kasalukuyan at dalawang dating konsehal.

Binanggit bilang basehan ng resolusyon ang Section 458 ng Local Government Code of 1991 na ngsasabing bilang isang ‘legislative body’ ng lungsod, ang konseho ay maaariing gumawa ng mga ordinansa na pipigil at magpapataw ng multa para sa prostitusyon, bawal na sugal, kasama na ang ‘drug addiction, maintenance of drug dens, drug pushing, printing distribution of exhibition of obscene or pornographic materials or publications and such other activities inimical to the welfare and morals of the inhabitants of the city.’

Ipinagtaka  ng ilang City Hall insiders na habang mga sinasabing kakampi ni Mayor Joseph Estrada ang naghain ng resolusyon, maliwanag na inaamin naman umano sa resolusyon na laganap ang ilegal na sugal at prostitusyon sa Maynila na pinamumunuan ni Estrada sa kasalukuyan.

Base pa sa resolusyon na ang mga probisyon nito ay alinsunod sa kampanya ng ‘national government’ laban sa ilegal na sugal at iba pang uri ng libangan at upang pigilan ang imoralidad na sumisira umano sa kapakanan ng mga taga-lungsod.

Ayon sa City Hall insiders,  malinaw din umano na iniimbitahan ng mga konsehal na nagharap ng resolusyon ang pagpasok ng national government sa Maynila upang sila na mismong humawak ng problema ukol sa postitusyon at ilegal na sugal na, ayon na rin sa resolusyon, ay may ‘proliferation’ o malaganap na sa Maynila.

Lubhang kahina-hinala din umano ang tiyempo ng nasabing resolusyon lalo pa’t nakabinbin sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kahilingan na imbestigahan ang ‘extortion activities’ ng nasabing grupo ng kasalukyan at dating konsehal na nangingikil sa mga establisimiyento sa Maynila.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *