“I do not want to talk to criminals. He can go to fiscal if he wants.”
Iyan ang naging sagot ni PRESDU30 nang mahingan ng reaksiyon ukol sa kagustuhan ni JB Sebastian na makausap siya at sa kaniya lang mismo sasabihin ang nalalaman tungkol sa isyu sa New Bilibid Prison including drug trade.
Naniniwala rin si PRESDU30 na kung pumayag siyang makipag-usap kay Sebastian, mailalagay niya ang kaniyang sarili at ang pamahalaan sa alanganin.
Nangangamba rin si PRESDU30 na mabigyan ng ibang kulay ng media kung papayag siyang makipagkita at makipag-usap kay Sebastian.
PRESDU30 BINIGYAN
NG ADVICE NG UN OFFICIAL
“Hitler massacred 3 million Jews. Now, there are 3 million drug addicts. I’d be happy to slaughter them.”
‘Yan ang salitang binitawan ni PRESDU30 pagdating niya mula sa Vietnam. Dahil dito, napagsabihan siya ni UN adviser Adama Dieng.
Ayon kay Dieng, dapat mag-ingat si PRESDU30 Sa mga binibitawan niyang salita na puwedeng mapunta sa usapang crimes against humanity.
Labis din naalarma si Dieng sa pagkakahintulad ni PRESDU30 ng kaniyang kampanya sa ilegal na droga sa genocidal drive ni Hitler na kumitil sa milyon-milyong buhay ng Jews.
Nais din ni Diang na suportahan ni PRESDU30 ang pag-iimbestiga sa mga extra judicial killlings.
Noong Sabado, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Ernest Abella na ang sinabi ni PRESDU30 ay, “Addressing the negative comparison that people made between him and Hitler.”
PINAS AT VIETNAM
MAGSASANIB-PUWERSA
Sa pagbisita ni PRESDU30 sa bansang Vietnam, nagkausap sila ng Pangulo ng Vietnam na si Tran Dai Quang.
Aside from Maritime issues, napagkasunduan ng dalawang bansa na magtulungan sila laban sa droga. Alam ng Presidente ng Vietnam na ang droga ay sentro ng laban ng administrasyong DU30 at dahil dito, magbibigay ang Vietnam ng intelligence data sa Filipinas regarding illegal drug trade.
Kapalit nito, magpapadala si PRESDU30 ng mga police at military para makatulong sa adhikain ng kasunduan na ito.
40 KATAO ARESTADO
SA MALATE, MANILA
Hindi bababa sa 40 katao ang naaresto noong Sabado, sa Malate district. Ito ay sa operation na ginawa ng Manila Police District sa ilalim ni Superintendent, Romeo Odrada, Chief ng Manila Police District, Station 9.
Ang 40 indibidwal ay naaresto sa paglabag ng maraming ordinansa sa Barangay 704, 705 at 718.
Ayon kay Odrada, dumaan sa tamang proseso ang lahat, inaalam nila mabuti kung ang mga naaresto ay may existing na record sa kanila or may pending na warrant of arrest.
Ang mga walang record ay inilista lamang sa police blotter at pinalaya rin. Ganoon din ang mga menor de edad na may mga kasamang guardian ay pinauwi rin.
MGA KUWENTO NI MRS. OX – Stephanie Marnie Sinfuego