PATAY ang isang barangay tanod habang sampu ang nasugatan nang gumuho ang platform ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Balete Flood Control Pumping Station sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.
Ayon kay Johnny Yu, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, ang biktimang si Alfredo Quijano, nasa hustong gulang, barangay tanod ng Brgy. 664, Zone 71, ay namatay sa atake sa puso nang maganap ang insidente.
Ang mga biktima ay nagsasagawa ng clean-up operation sa Romualdez Bridge sa Ermita nang maganap ang insidente.
“As per doon sa field reports sa atin, nagkakaroon tayo ng dredging doon sa estero and doon po sa pagkuha siguro nila ng basura na-overload ng tao and at the same time iyong bigat ng basura at mga tao… bumigay ang platform,” pahayag ni Yu.
“Merong nagbabantay doon, iyong barangay tanod at iyong mga nagde-dredge tapos at the same time iyong mga tao na nandoon sa area na iyon na tumutulong, iyon po ang mga kasama roon sa platform,” aniya.
( LEONARD BASILIO )