Monday , December 23 2024
NBI

Beteranong konsehal ng Maynila nagpapasaklolo sa NBI

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI), ang isang beteranong konsehal ng Maynila para maimbestigahan ang grupo ng mga kasalukuyan at dating konsehal ng Lungsod na umiikot sa mga establisimiyento para mangikil ng pera kapalit ng pagnenegosyo.

Sa kanyang   privilege speech, sinabi ni Councilor Bernie Ang (3rd district) na kinakailangan magkaroon ng masusing imbestigasyon para mapatawan ng kaukulang aksiyon ang naturang mga tiwaling konsehal at dating konsehal ng Maynila.

Una nang napalathala ang ginagawang panghihingi ng halagang P30,000 -P60,000 ng mga ‘konsehal’ bilang proteksiyon sa kanilang negosyo.

Sinabi ni Ang, naalarma siya matapos malaman na umiikot rin ang grupo sa ilang mga establisimiyento sa Binondo area.

Nadesmaya si Ang dahil nasisira ang imahe ng konseho sa ginagawa ng mga konsehal.

“We were elected to create meaningful laws that will redound to the benefits of the city and its residents, including those doing legitimate business in the city and not to use our position for selfish, errant interests,” dagdag ni Ang.

Pumupunta umano sa mga establisimiyento ang mga nasabing konsehal, kasama ang kanilang mga kaibigan, kumakain, umiinom pero hindi nagbabayad.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *