PATAY ang dalawa sa tatlong hinihinalang mga holdaper na magkaangkas sa motorsiklo makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin sa hindi pagsu-suot ng helmet kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Hindi pa nakikilala ang na-patay na dalawang suspek habang nakatakas ang ikatlong lulan ng motorsiklo.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong 3:45 am nang maganap ang insidente sa Jose Abad Santos Avenue, kanto ng Quiricada St., sa Tondo habang nagpapatrolya ang mga pulis na sina PO2 Jefferson Ri-vera at PO2 Enrique Fajardo, kapwa nakatalaga sa Algue Police Community Precinct (PCP), na sakop ng MPD-Station 2, lulan ng Mobile Car 423, dahil sa nagaganap na serye ng holdapan at nakawan doon.
( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )