TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang makasasagip sa maritime industry para lutasin ang lumalalang mga problema ng industriya at Pinoy seafarers na may malaking ambag sa ekonomiya nang mahigit limang bilyong dolyar sa taunang remittances.
Inihayag ito ni Capt. Rodolfo Estampador ng Conference of Maritime Manning Agencies (CoMMA) sa pagtalakay ng usapin ukol sa mga mandaragat na Pinoy sa Tapatan sa Aristocrat sa Malate, Maynila.
Ayon kay Estampador kailangan umanong magbigay ng ayuda ang pamahalaan dahil naungusan na ng ibang bansa, partikular ang China sa pagde-deploy ng mga de kalidad na seafarer sa pandaigdigang merkado.
Batay sa latest statistics, naungusan na ng China ang Filipinas sa dami ng kanilang mga seafarer sanhi ng mala-king karagdagan ng kanilang domestic shipping habang nananatili ang bansa sa pagi-ging pangunahing manpower source ng pandaigdigang maritime industry.
Bukod sa China, nakaaagaw na rin ang mga bansang Thailand, India, Pakistan at yaong nasa eastern Europe sa bilang ng mga idini-deploy na seafarer dahil mas maliit ang mga suweldong hinihiling nila kung ihahambing sa mga Pinoy.
“Mahalaga ang suporta ng gobyerno dahil matagal nang napabayaan ang industriya. Kailangang magbalik tayo sa simula para matugunan sa wastong paraan ang mga problemang kinakaharap ng ating mga mandaragat at gayon din ang mga manning agency na nagpapalayag sa kanila,” aniya.
Una rito, na-ngako si Pangulong Duterte na paiigtingin niya ang ayudang ibinibigay sa martime industry para umani ng pasasalamat mula sa Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) sa pangunguna ng presidente ng organisasyon na si Dr. Conrado Oca.
Ipinaliwanag ni Estampador, malaki ang magiging benepisyo sa industriya kung makatutulong ang pamahalaan sa pagkakaroon ng pasi-lidad tulad ng training vesel ang iba’t ibang mga eskuwelahan para sa mga mandaragat para mabigyan ng tunay na pagsasanay ang ating mga seafarer.
Tinugon ang panawagang ito ng Maritime Industry Authority (MarInA) sa pagpa-patupad ngayon ng mga programa na magpapaangat sa kalagayn ng mga mandaragat na Filipino at gayon din sa kanilang edukasyon at pagsasanay.
“Hindi kami natutulog dito sa MarInA dahil gumagawa kami ng mga polisiyang magpapa-ganda sa edukasyon at training ng mga marinero.
Sa ngayon ay hindi maha-laga ang dami ng eskuwelahan kundi kung makapagpapatapos tayo ng mga seaman na may competency para makipagsabayan sa global competition,” punto nina Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) MarInA executive director Eleazar Diaz at maritime education supervisor Michael John Esplago.
ni Tracy Cabrera