Friday , November 15 2024
road traffic accident

Bebot patay, 2 pa sugatan sa Grab Taxi vs 3 truck

PATAY ang isang babaeng pasahero habang sugatan ang kanyang kasama at ang driver ng sinasakyan nilang Grab Taxi nang maipit sa karambola ng tatlong naglalakihang truck sa southbound lane ng Nagtahan Bridge sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang namatay na biktimang si Ivory Abaya, 25, habang sugatan ang isa pang pasaherong si Karen Graneta, 25, at ang driver ng Grab taxi na si Antonio Maraaya.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD) – Station 6, pauwi sa kanilang condominium mula sa pinagtatrabahuang casino sina Abaya at Graneta, sakay ng taxi ni Maraya, dakong 3:40 am nang maipit sila sa karambola ng tatlong bumibiyaheng truck sa lugar.

Ayon sa driver ng trailer truck na may kargang buhangin na si Edison Gonzales, nawalan siya ng preno habang pababa ng Nagtahan Bridge, kaya’t sumalpok siya sa isa pang truck sa kanyang unahan, na mabilis namang dumausdos at sumalpok sa likurang bahagi ng kotse o Grab taxi na sinasakyan ng tatlong biktima.

Todong lakas na bumangga ang Grab taxi sa unahan na isa pang truck na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga biktima at pagkasugat ng dalawa pa.

Sa naturang karambola ng apat na sasakyan, nayupi na parang lata ang Grab taxi.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *