Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

De Lima, naquestion ang kalayaan ng imbestigasyon na gagawin ng UN at European Union

Kamakailan ay inimbitahan ni PRESDU30 ang mga opisyales ng United Nation at European Union na magconduct ng imbestigasyon sa kaniyang war against drugs.

Naquestion ni De Lima, kung anong klaseng imbestigasyon ang gagawin ng U.N. at European Union kung si PRESDU30 ang magbibigay ng pointers kung paano nila gagawin ang imbestigasyon nila dito.

Naglabas na kasi ng protocol ang DFA, na papayagan ang U.N. at E.U na bumisita sa bansa ngunit hindi sila pwede pumunta sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng nga nangyari at nangyayaring patayan. Ito ay para narin sa kanilang seguridad.

Naniniwala si De Lima na dahil sa naturang protocol, ang imbestigasyon ay magkakaroon ng “censorship & control”.

TRILLANES BABACK UP
KAY MATOBATO

Nadidismaya si Sen. Antonio Trillanes sa mga ibang kasamahang senador, dahil imbes daw na makakuha ng mga totoong impormasyon mula kay Matobato, ay nagcoconcentrate ang mga ito na mahanapan ito ng butas. Dahil dito, gumawa si Trillanes ng kaniyang sariling imbestigasyon na kaniyang iprepresenta sa susunod na hearing tungkol sa extra judicial killings.

Ipinaglalaban ni Trillanes, na dapat pinipiga si Matobato para lumabas ang katotohanan kesa pilit hinahanapan ito ng butas.

Siya ay naniniwala sa testimony ni Matobato, dagdag niya pa na hindi nito makikilala ang mga pulis na kasama sa  Davao death squad kung hindi ito nakilala or nakasama ni Matobato.

Ang davao death squad daw ay marami ng napatay sumula 1998 hanggang 2008.

AGUIRRE, SISIGURADUHIN
NA PUPUNTA SI JB SEBASTIAN
SA HEARING

Sa susunod na house committee hearing sa October 5, sisiguraduhin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sa ayaw at sa gusto ni Sebastian ay pupunta siya sa susunod na hearing.

Niliwanag din ni Aguirre na hindi DOJ witness si Sebastian, ngunit alam niya na sa pagtatanong dito, ay marami silang makukuhang impormasyon.

Marami pang witness ang inaasahan sa susunod na hearing. Lahat ng testimony ng mga ito ay gagamitin ng DOJ para makapagfile ng kaso laban kay de Lima.

Si Aguirre ay confident na masasampa ang mga kaso laban kay De Lima bago matapos ang taon.

2 PATAY SA UP DILIMAN

Dalawang lalaki nanaman ang napatay ng mga pulis matapos di umano’y nakipagbarilan sa pulis sa isang drug buy bust operation sa University of the Philippines campus sa Diliman, Quezon City. Ito ay nangyari kahapon, 2:25 ng umaga.

Nakipagkita daw ang isang police asset upang bumili ng droga sa nasabing lugar. Dumating naman ang suspek na si alyas “Lupa” na nakasakay sa isang motorsiklo. Ito ay may kasama daw na isang pang  lalaki. Bigla nalang daw bumunot ng baril si Lupa, ngunit naunahan na ito magpaputok ng pulis.

Dineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang dalawang lalaki pagkatapos ng engkwentro na nangyari.

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …