Friday , December 27 2024

Impiyernong grupo

00 Asar TaloAMMAN, Jordan—Ano na kaya ang nangyari sa imbestigasyon kaugnay sa reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) laban sa isang Albert Lawin Guanzon, ang founder at chairman kuno ng Bantay at Kasangga ng OFW International Inc.?

Kumilos ba ang imbestigasyon laban sa kanya o ito ay inupuan lamang ng mga ‘enterprising’ nating government investigators? Nagtatanong lang po!

Alam n’yo, mga padrino ko, itong si Guanzon ay inireklamo noong 2013 ng distressed OFWs mula sa Saudi Arabia partikular na yaong nagmula sa Dammam at sa Al-khobar. Umuwi sa bansa ang ilang workers para ireklamo siya dahil binaboy daw sila ng hindoropot na si Guanzon at ng mga galamay niya sa grupong Bantay at Kasangga.

Ayon sa workers, hinikayat nireng si Guanzon, na isang dispatser sa bus terminal sa Dammam, ang distressed workers na lumapit sa kanya para raw sila matulungang pumunta sa Philippine Overseas Labor Office (POLO). Nang lumapit sa kanya ang workers ay tinakot daw niya na ipahuhuli sa pulis kapag hindi pumayag sa kanyang kagustuhan!

Tsk tsk tsk!

Ang ibang workers ay kanya raw ibinugaw samantala ang kanya namang makursunadahan ay ginawa niyang asawa. At kapag pinagsawaan na raw niya ang worker, e ipapasa na n’ya sa kanyang galamay sa Bantay at Kasangga! Hindi kaya kademonyohan na ang ganireng gawain?

Biro n’yo, mga padrino ko, ginawa na nga raw niyang sex slaves ang mga nakursunadahan niyang Pinay, e, ibinenta pa ang iba para siya kumita nang malaking halaga! Ala, e, kung totoo man ito, dapat ibinibitay nang patiwarik ang hinayupak na gumagawa ng ganireng kahayupan!

At kapag hindi na raw niya mapakinabang ang distressed workers ay ipinahuhuli na niya sa pulis para na rin makaiwas siyang gastusan sa pagkain at iba pang pangangailangan!

Naging impiyerno ang mundo ng distressed workers na nahulog sa kamay ng hindoropot na Guanzon at sa kanyang kampon sa grupong Bantay at Kasangga. Naging napakasamang bangungot ang kanilang mapait na karanasan sa kamay nina Guanzon.

Kaya, ngayon naman ay nasa peligro ang magiging kalagayan ng mga OFW dito dahil nagkaroon na ng Bantay at Kasangga Int’l Jordan Chapter. Nagsimula na rin maghasik ng lagim ang grupo nitong si Guanzon dito sa Amman.

Mantakin ba naman, nang isali ng presidente nitong Jordan chapter na isang nagngangalang Dionisio Daluyin, Jr., ang grupo sa Filipino Organization (FilOrg) ay tinangka agad niyang agawin ang puwesto ng presidente ng organisasyon na si Tessie “Tikboy” Superio. Susmaryosep!

Pinilit nitong si Daluyin na maging presidente ng FilOrg sa isang snap election na ginanap sa kanyang bahay habang si Superio ay nasa ibang bansa.

Hanep din talaga, ‘no!

Bagaman alam na nitong si Daluyin ang nakapandidiring kababuyan na ginawa nitong Bantay at Kasangga sa distressed OFWs sa Saudi Arabia, e, pilit pa niyang inaagaw ang puwesto nitong si Superior sa halip na siya ay magbitiw sa grupo nitong si Albert Lawin Guanzon. Sa halip na ipakita niyang siya ay matinong tao, gusto pa niyang mapalawak ang kanyang kapangyarihan para na rin siguro masiyahan sa kanyang serbisyo ang hinayupak niyang bossing sa Bantay at Kasangga!

At dahil sa ipinapakita nitong si Daluyin na kasakiman sa kapangyarihan, siguradong magiging napakaganda niyang instrumento sa mga kahayupan ng Bantay at Kasangga. Sigurado akong magugustuhan nitong si Guanzon ang serbisyo sa kanya nitong si Daluyin.

Lalaban ako ng pukpukan, gagawin ni Dionisio C. Daluyin, Jr., ang lahat ng ginawa nitong si Albert Lawin Guanzon sa mga kaawa-awang OFW!

Abangan!!!

ASAR TALO – Dodo R. Rosario

About Dodo Rosario

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *