Monday , December 23 2024

5 bumulagta sa anti-drug ops sa Maynila

LIMANG hinihinalang drug pushers ang sunod-sunod na bumulagta sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations ng mga pulis sa Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), unang tumimbuwang si Abner Nasi, alyas Abeng, 41, barangay tanod at residente sa Juan De Moriones St., Binondo, at isang alyas Muslim.

Habang arestado ang live-in partner ni Nasi na si Janneth Rivas , 27, sa operasyon ng mga pulis ng MPD-Station 11, dakong 2:00 pm nitong Biyernes sa kanilang bahay.

Pagsapit ng 12:45 am kahapon, napatay ng mga pulis ng MPD-Station 10, si John Perola, alyas Koyang, nasa hustong gulang at residente sa Gomez St., Paco, Maynila, sa loob ng kanyang barong-barong.

Napatay ng mga pulis ng MPD-Station 5 si Alex Jamilon, 30, ng Brgy. 650, Zone 60, Tamborong, Port Area, Manila dakong 12:50 am sa loob ng kanyang barong-barong.

Samantala, isang alyas Oteng ang napatay ng mga pulis ng MPD-Station 2, dakong 1:17 am sa Road 10 kanto ng Zaragosa Street sa Tondo.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *