Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piloto ng Saudia Airlines bubusisiin ng MIAA (Hijacking false alarm)

092116-saudia-airlines-naia-miaa
NAKATAKDANG imbestigahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang piloto ng Saudia Airlines Flight SV 872 mula Jeddah, Saudi Arabia matapos ang dalawang beses na pagkakatanggap ng distress call ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon. ( JSY )

ISASALANG sa imbes-tigasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang piloto ng Saudia Airlines Flight SV 872 mula Jeddah, Saudi Arabia kasunod nang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon.

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, false alarm ang napaulat na ini-hijack ang eroplano.

Ayon kay Monreal, nagkamali ang piloto ng Flight 872 sa pagpapa-dala ng distress call.

Sinabi ni Monreal, 20 milya bago lumapag sa NAIA ay nagpadala ng distress call ang piloto sa Manila Air Traffic Control.

Dalawang beses na ipinadala ng piloto ang distress call kaya bumuo ng crisis committee ang MIAA.

Inatasan ang Flight 872 na lumapag sa Runway 06 ng NAIA para ma-isolate at agad nag-deploy ng PNP Anti-Hijacking Unit, maging ang Aviation Security Group at emergency vehicles sa paliparan.

Ngunit nang inakyat ang eroplano, sinabi ni Monreal, umamin ang piloto na nagkamali siya sa pagpindot ng distress call.

Dakong 2:30 pm lumapag ang Saudia Airlines sa NAIA ngunit da-lawang oras na pinatigil ang mga pasahero sa loob ng eroplano bago sinimulang pababain.

Sinabi ni Monreal, bagama’t false alarm ang nangyari, ipinatupad pa rin ang protocol at isinailalim sa inspeksiyon ang lahat ng mga bagahe ng mga pasahero.

Ayon sa pasaherong si Engr. Lavi Macabando, naging kalmado sila sa loob ng eroplano sa kabila ng situwasyon, bagama’t isa-isang sinuri ang kanilang passports. Halos 400 ang pasahero ng Flight 872, ang iba ay galing pa sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia.

Samantala, sa statement ng Saudia Airlines, sinabing nagkamali ang kanilang piloto sa pagbibigay ng signal na may nagaganap na hijacking sa eroplano.

    ( GLORIA GALUNO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gloria Galuno

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …