SINISIGURADO ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na “drug-free” ang lahat ng in-city housing beneficiaries at lahat ng mga iskolar sa pamantasan ng siyudad.
“Huwag kayong magdo-droga. Iyan ang pinakapanuntunang dapat sundin ng mga beneficiaries ng housing at ang mga iskolar para makapasok sa mga programa ng siyudad,” ani Tiangco sa Ingles.
“Violation of this rule means losing the house or the scholarship,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, may 1,018 in-city housing beneficiary-families at 720 istudyante ang naka-enroll sa Navotas Polytechnic College (NPC) Full Scholarship program.
Ang lahat ng mga aplikante para sa mga naturang programa ay kinakailangang sumailalim sa drug testing upang makapasok.
Dapat lamang siguraduhin ng mga pumasa na sila ay mananatiling drug-free hanggang sa matapos na ang kanilang obligasyon.
Sino mang estudyante ang hindi makatupad ay agad aalisin sa paaralan.
“We want to dissuade our people from using drugs or any harmful substance and being addicted to it. We want our city to be drug-free and we are doing all it takes to make it so,” sabi ni Tiangco.
Ang mga miyembro ng 15-year housing programs pataas ay dapat na sumailalim sa drug testing kada tatlong taon. Ang mga magpo-positibo ay kailangang magpa-rehab.
Maaari ring ipa-drug test ng pamahalaang lungsod ang sino mang pinaghihinalaang gumagamit ng illegal na droga.
“Refusal of any family member to do the drug test or testing positive thrice will require the family to give up their usufruct to the housing unit,” ayon sa mayor.
( JUN DAVID )