Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 drug suspect patay, 14 arestado sa tokhang

PATAY ang dalawang hinihinalang drug suspect habang 14 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na Oplan Tokhang, Oplan Galugad, at buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa mga lungsod ng Taguig, Makati, Las Piñas at Muntinlupa.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na si Ferdinand Moldez makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Muntinlupa City.

Naaresto sa nasabing insidente ang kasama niyang si Roberto Ataayla at ama ni Ferdinand na si Rogelio.

Habang namatay sa pakikipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Las Piñas City Police ang suspek na si Raffy Cajeda, hinihinalang tulak ng droga.

Habang arestado ng mga pulis ang hinihinalang mga tulak  na sina John Paul Rambuyong, 23; Christian Cunanan, 31; Noel Abadia, 35; Olympia Dela Cerna, 43, at Elsa Abraham, 36, ng Manggahan Compound ng nasabing barangay.

Arestado dakong 4:45 pm sa Taguig City Police ang mga suspek na sina Nicolas Albert, 36,  at Martin Kevin Ramos, 28, at Reynaldo Tramos.

Sa Makati City, arestado ng mga pulis si Vanessa Claudio, 42, sa Makati City.

Naaresto ng mga pulis sina Kevin Bernardo, 28, at Jose Mari Sta. Cruz, 39, sa San Antonio, Makati City.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …