Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 bebot nasagip sa hostage taker

APAT kababaihan, kabilang ang isang buntis, ang nasagip ng mga awtoridad sa isang hostage taker sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City nitong Huwebes ng gabi.

Napag-alaman, apat oras na binihag ang kababaihan ng suspek na kinilalang si Ruben Azares alyas Boyet, 37-anyos.

Ayon sa ulat, dumating sa lungsod ang suspek mula sa Sorsogon upang bisitahin ang kanyang mga kaanak ngunit biglang tinutukan ng kutsilyo at ini-hostage ang mga biktimang sina Iza Among, 30; magkapatid na Joselyn, 31, at Geneviv Guiang, 22, kapwa call center agent, at ang buntis na  Beverly Morales, 25-anyos.

Makaraan ang apat na oras, nakombinsi ng mga pulis na sumuko ang suspek at pinakawalan ng mga bihag.

Nabatid sa imbestigasyon, hiwalay sa kanyang misis ang suspek at lumuwas ng Makati makaraan pagbintangan na sangkot siya sa illegal na droga sa kanilang probinsiya. ( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …