PINANINIWALAANG pinatay ng vigilante group ang isang lalaking sinasabing sangkot sa droga at hinihinalang holdaper, makaraan matagpuan walang buhay kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reywin Lazaro, alyas Palos, nasa hustong gulang, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang.
Base sa ulat kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Nolasco Bathan, dakong 2:35 am nang matagpuan ng guwardiyang si Rolly Perez ang bangkay ng biktimang nakagapos ang mga kamay, nababalutan ng garbage bag ang mukha at nakasubsob sa kalsada ng Coral Way malapit sa Maax Building, JW Diokno Boulevard, Mall of Asia Arena.
( JAJA GARCIA )