Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino-sino nga ba ang puwedeng gumanap sa bio-film ni De Lima?

SINO kaya kina Iza Calzado, Dawn Zulueta, Shamaine Centenera, o Eugene Domingo, o Vilma Santos o Susan Roces ang pinaka-credible na gumanap  na Leila De Lima sakaling may magkalakas-loob na gumawa ng pelikula tungkol sa ngayon ay napakakontrobersiyal na senadora?

At puwede rin ngang pagpilian sina Cherie Gil, Eula Valdez, Princess Punzalan, at Sylvia Sanchez? Gusto n’yo bang isali rin sa pagpipilian sina Candy Pangilinan, Ethel Booba, at Keanna Reeves?

‘Yan ang minsan ay pinagbalitaktakan ng isang kumpol ng mga katoto namin sa panulat. Naganap ang huntahan ilang araw bago mag-viral sa social media ang litrato ng katoto naming Roldan F. Castro na napagkamalang ang mahiwagang driver ng senadora na umano’y lover din ng senadora at kolektor (daw) ng mga datung na suhol daw para sa pagpoprotekta nito sa mga druglord sa loob at labas ng Bilibid. Hehehe! ‘Di namin ipagtatapat kung isa si Roldan sa mga katsika namin noong gabing ‘yon sa kung-saan. Basta, isang kulumpon kami!

At dahil nga tsikahan/etchingan lang ‘yon, ‘di na ni-resolve kung sino ba sa mga nabanggit ang pinaka-effective na gumanap na Sen. De Lima na isang abogada,  dating Secretary of Justice, hiwalay sa asawa, at may dalawang anak.

Sayang at ‘di na umabot ang luka-lukahang usapan na ‘yon kung sino ang puwedeng pinaka-credible na makapagdidirehe ng bio-film ng magiting na senadora. Si Joel Lamangan ba? Si Joey Javier Reyes? Si Lav Diaz? O si Brillante Mendoza?

Pero may naihabol pang suggestion kung sino ang okey na okey na gumanap na driver na pinagbibintangang sweet lover ng senadora. Puwede raw pagpilian sina ex-senator Lito Lapid, ex-mayor Joey Marquez. Huwag na raw munang isama sa listahan ang dalawang nakakulong pang senador na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Opo, ganoon ang showbiz media: marami ring haka at fantasia tungkol sa politika at mga politiko. At hindi lang naman ang mga politikong nagmula sa showbiz ang nakakahalubilo at naiinterbyu namin, kundi pati na ‘yung mga ‘di taga-showbiz. Iniimbita rin kami sa press conferences ng mga politiko. Mayroon ding nag-ieskedyul ng mga presscon na exclusive para sa showbiz media, lalo na tuwing panahon ng kampanya para sa eleksiyon—at ‘yon ang dahilan kung bakit may picture ang katotong Roldan kasama ang noon ay nangangampanyang ex-Justice Secretary.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …