LIMANG inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nakompiskahan ng limang bulto ng hinihinalang shabu nang salakayin ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang loob ng piitan ng Medium Security Compound sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.
Isinagawa ang buy-bust operation ng isang confidential agent dakong 5:30 pm sa loob ng selda ng limang preso.
Inihahanda na ng Muntinlupa City Police, may hurisdiksiyon sa NBP, ang kaukulang mga dokumento sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa sa Muntinlupa Prosecutor’s Office laban sa limang preso na sina Valeriano Amitus, Voltaire Ed Batay, Marlon Abata, Marlon Motoc Jr. at Raymond Bongabong, pawang may kasong robbery at theft.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer In Charge Roland Asuncion, ang limang inmates na nakompiskahan ng limang bulto ng droga na nagkakahalaga ng P60,000, ay nahaharap sa panibagong kaso.
( JAJA GARCIA )