Thursday , January 9 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ret. Gen. Edgar Galvante dapat manatili sa LTO!

HALATANG-HALATA na marami ang nasaktan nang italaga ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte si dating Dangerous Drug Board (DDB) Undersecretary Edgar Galvante sa Land Transportation Office (LTO).

Kamakailan sinabi ni Pangulong Digong na nais niyang bakantehin ng PNoy appointees ang kanilang mga puwesto sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

In short, dapat silang magpasa na ng kanilang courtesy resignation.

Hindi ba’t ganoon naman ang nararapat?!

Kapag may bagong presidente, dapat magpasa ng courtesy resignation ang mga appointee.

‘Yun ay pagbibigay ng kalayaan sa bagong presidente kung pananatilihin sila o maglalagay ng mga bagong opisyal.

Pero umabot na nga ng 50 araw si Pangulong Digong sa panunungkulan pero talagang hindi pa rin nag-courtesy resignation ang ilang kapit-tuko ‘este’  appointee ni PNoy.

Pakapalan lang ba ng mukha ‘yan?!

Imbes mag-resign ginawan pa ng intriga ang bagong talagang hepe ng LTO na si Undersecretary Ed Galvante.

Dating police general si LTO chief Ed Galvante at bilib si Pangulong Digong sa record niya sa pulisya.

Hindi ba’t ang LTO ay isa sa sinasabing ‘most corrupt agencies’ sa bansa?

082516 LTO

Kaya nga ang pinili ng Pangulo ay isang police general na kilalang estrikto at disiplinado sa kanilang gawain.

Kaya nagtataka tayo kung bakit pumutok nitong mga nakaraang araw na kasama raw si Undersecretary Galvante sa mga pinagbibitiw ng Pangulo.

Aba, a-dos ng Hunyo lang nang italaga ng Pangulo si Gen. Galvante, lumalabas na magtatatlong buwan pa lang siya sa LTO pero marami na ang nangongoryente laban sa  kanya?!

Ano ang ibig sabihin niyan?

Marami kaagad ang tinatamaan sa ginagawang paglilinis at pag-aayos ni Gen. Galvante sa LTO.

Sino kaya ang mga tinatamaan na ‘yan?!

Sila rin kaya ang walang tigil sa pagkakalat ng tsismis na maging si Galvante ay pinagre-resign ni Digong?!

O sila ‘yung mga naghihintay ‘mapikon’ si Galvante para sumibat sa LTO at sila’y mag-aala ‘pusa o asong gala’ na biglang sasagpang sa kanyang iniwanan na ‘very juicy position’  lalo na kung kayang-kaya nilang magwalanghiya?!

Unsolicited advice lang po, Gen. Galvante Sir, hindi naman po nakikinig sa urot at sulsol si Pangulong Digong, kaya huwag rin po kayong padadala sa mga inggiterong walang ginawa kundi pababain ang morale ninyo…

Isulong po ninyo ang pagbabagong matagal nag hinihintay para sa LTO nang sa gayon ay matuwa naman ang sektor ng transportasyon…

Suportado ka namin diyan, Gen. Edgar Galvante, Sir!

ODD-EVEN SCHEME
IPINABABALIK
NG MGA MOTORISTA

072116 traffic

Lumalakas ang panawagan ngayon na ibalik ang odd-even scheme para sa mga motorista lalo sa EDSA.

Kung hindi tayo nagkakamali, taon 2010 nang muli itong ungkatin ng dating MMDA chair na si Atty. Francis Tolentino.

Isa kasi ito sa nakikitang solusyon ng Metro bus operators para lumuwag ang EDSA.

Sa ilalim kasi ng odd-even scheme ang mga sasakyan na nagtatapos sa odd numbers ay hindi padaraanin sa EDSA tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes.

Ang mga pribadong sasakyan na nagtatapos sa even number ay hindi naman puwedeng dumaan sa EDSA tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Marami ang nagsasabi na mas maluwag ang trapiko nang ipinatutupad itong odd-even scheme kaysa number coding.

‘E bakit nga naman hindi subukan ulit kung makatutulong sa pagluwag ng trapiko?

TCEU MIRAFLOR
AT REUYAN INIREKLAMO NA
SA OMBUDSMAN! 082516 interrogation immigration

MUNTIK mabilaukan ag inyong lingkod, matapos makatanggap ng kopya ng sandamakmak na kasong isinampa sa Office of the Ombudsman of Visayas kina Immigration Travel Control & Enforcement Unit (TCEU) Supervisor JEDDA REUYAT ‘este REUYAN!

Dalawang Pinay na sina Ms. Lovely Pantaleon at Ms. Evangeline Flora na pawang complainants ang nagsampa ng kasong Arbitrary Detention; Grave Coercion; Incriminating Innocent Persons; Violation of R.A. 3019; Violation of R.A. 7438; at Grave Misconduct laban kay TCEU Supervisor Re-uyat este Reuyan!

Sonabagan!!!

Talagang sandamakmak nga!

Ayon sa complaint affidavits ng dalawang Pinay, pinaratangan daw sila ng nasabing TCEU na nagtataglay ng E-6 visa papuntang Korea matapos silang sumailalim sa secondary inspection.

Katakot-takot na insulto at pananakot umano ang ginawa nang walang kadala-dalang TCEU supervisor sa mga kaawa-awang Pinay.

Tinakot umano na ipadadampot sa NBI ang dalawang OFW kung hindi nila ilalabas ang kanilang itinatagong E-6 visa.

Wattafak!??

Para palang nag-i-interrogate ng kriminal si TCEU Reuyan?!

Talagang hindi nga makatarungan ang ganitong klaseng pagtrato lalo sa mga kababayan nating OFWs.

Puwede namang kausapin nang maayos. Ano bang akala niya sa sarili niya? May ambisyon ba siyang maging hukom bitay?!

Ewwss!

Ang pinakamabigat sa ginawa nitong si IO Reungas ‘este Reuyan, pilit raw pinahuhubad ang suot na panty ng OFWs dahil nagduda na baka i-flush raw sa kubeta ang naturang visa?!

Pakengshet!!!

Prrrrtt!!! Technical foul na ‘yan talaga!

Violation of human rights pa!

Hindi na nga sila pinaalis, inalipusta pa!

Marami na tayong reklamo na natanggap tungkol sa notorious TCEUs kabilang diyan ang MCIA TCEU Head na si Candice Miraflor na ipinatawag din ng Ombudsman Visayas para sa isang ‘conference’ on alleged “Discourtesy and Impoliteness in Treating Offloaded Passengers!”

Ngayong bago na ang administrasyon, dapat siguro na sibakin ang mga gaya nina IO Jedda Reuyan at IO Candice Miraflor na patuloy na sumisira sa imahe ng isang malaking ahensiya ng pamahalaan!

Calling the attention of our good DOJ Secretary Vitaliano Aguirre!

Nakasalalay po sa inyong mga kamay ang hustisya para sa mga naapi nating kababayan!

Tiyak hindi magugustuhan ni Pangulong Rody Duterte ang ginagawang pag-alipusta sa ating mga kababayan!

MGA PUSHER SA HAMABAR/
GABRIELA ST., TONDO

MULI kumakatok ako sa puso n’yo sir Jerry, nawa’y ma2lungan mo kami na matapos na ang bentahan ng shabu dto sa Hamabar, Gabriela St., Tondo Brgy 52 Z-4. Manny at Ginda, Jon2, Mata, Lito, Ena, Leleth at Batya mga pusher. Salamat po.

+63920444 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *