Friday , November 15 2024

The best president

THE best President si Pangulong Digong Duterte para sa akin. Matagal kong nasusubaybayan ang mga naging presidente at pinag-aaralan ko sila.

Si Pangulong Digong ang pinakamagaling.

Wala siyang takot ibulgar at ipapatay ang mga drug lord at pusher dahil alam n’ya na ang ilegal na droga ay salot sa ating lipunan.

Kahit magalit kayo sa akin ay okey lang kung araw-araw kong kinokolum si Pangulong Duterte ‘e kasi maganda naman ang ginagawa niya para sa bansa.

May nagtanong sa akin, “Pare, bakit halos column mo ay puro kay Duterte?” Kako naman “anong pakialam mo?”

Sinagot ko siya dahil kilala ko, sabi ko pa bakit ikaw nakaw nang nakaw ka sa gobyerno. ‘Di na s’ya kumibo at umalis dahil talagang ipinahiya ko siya.

Hindi ba si Pangulong Duterte lang ang nakagawa nang ganyan sa malala at talamak na problema sa shabu sa buong bansa?

Go, go, go mahal na Pangulo!

***

Tulungan natin si Customs Comm. Nick Faeldon na magtagumpay siya sa BOC.

Unahin niyang kalusin ang ilang abogado at abogada na super corrupt lalo sa accreditation.

Dapat ipa-lifestyle check ang mga ‘yan lalo ngayon may FOI executive order na. Puro name dropper pa ang mga ‘yan!

Comm. Nick Faeldon, alam ko na kaya mong paimbestigahan  ang mga manyak na abogado diyan. Maraming pailalim magtrabaho riyan at nagpapatawag pa ng importer.

Kunwari, ang daming butas ng kargamento na gagawin at pagkatapos kinokotongan na nang daang milyon.

At tatakutin pa nila: “Ang dami mong additional kakasuhan ka namin sa NBI, DOJ at Ombudsman.” Diyan pa lang ay halata na may harassment sila ‘di ba?

Kung gusto nilang kasuhan ‘e di mag-file na agad ng kaso ‘di ba? Grabe ang tag price nila!

Comm. Nick Faeldon, I really admire and respect you dahil alam kong straight ka sa iyong tungkulin.

Just do right your task and you will have my full support, Sir!

***

Napakaraming adik ang sumurender sa Brgy. Putatan, Muntinlupa. Mga 350 pataas ang bilang na gusto nang magbagong-buhay base sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Maraming humanga kay Brgy. Chairman DANILO TEVES sa dami ng napasuko niya dahil sa tiwala sa kanya ng constituents.

Maganda kasi ang record niya. Siya lang ang barangay chairman na nagbigay ng allowances sa mga senior citizen at iba pang benepisyo.

Ayon kay Teves, “Jim, talagang tumalima agad ako noong una pa na nangampanya pa lang si Pangulong Duterte laban sa droga.”

Keep up the good work Brgy. Capt. Teves.

God bless us all!

***

Sa susunod na isyu  isusulat ko ang mga abogado at abogada na dapat isalang sa lifestyle check sa Bureau of Customs.

***

Napakahusay talaga ni Senator Migz Zubiri.

Isa siya sa mga sumusuporta kay Pangulong Digong laban sa  ipinagbabawal na Droga.

Nag-volunteer agad siya na magpa-drug test para maging magandang ehemplo sa iba pang public official.

Mabuhay ka Sen. Migz!

***

Isa rin si PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na super tapang laban sa mga katiwalian lalo kung sangkot ay mga pulis.

Buong tapang na nilalabanan niya ang mga sindikato ng droga.

Ang kagaya niya ang dapat na lalo pang bigyang-suporta at makipagtulungan tayo sa kaniyang laban.

Ipanalangin natin ang kaligtasan at tagumpay ni Pangulong Duterte at Gen. Dela Rosa para sa tunay na pagbabago.

Mabuhay kayo!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *