Thursday , May 15 2025

Aljur, kinaiimbiyernahan ng ilang press

ANG Hermano Puli, starring Aljur Abrenica, ang magiging closing film sa darating na Cinemalaya Film Festival ngayong Agosto. May mga katoto kaya kami sa panulat na susugod sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para panoorin ang historical film na idinirehe ng premyadong si Gil Portes kahit hindi sila imbitahin?

Actually, hindi kailangan ng tiket o imbitasyon para sa event na ‘yon. Tradisyon na sa Cinemalaya na free admission ang opening film at closing film ng festival. Hindi official entries ang opening and closing films, bagamat ina-assume na mataas ang kalidad ng parehong pelikula na walang subsidy buhat sa Cinemalaya.

Pero kaya namin itinatanong kung susugod doon ang mga katoto namin sa panulat kahit walang imbitasyon mula sa prodyuser ng pelikula (T-Rex Entertainment) ay dahil sa napuna naming marami palang katoto ang imbiyerna kay Aljur. Kung may imbitasyon kasi, ibig sabihin ay may mapapala silang “special consideration” sa panonood nila kahit na imbiyerna sila kay Aljur.

At kaya naman namin alam na marami kaming katoto sa panulat na ‘di natutuwa kay Aljur eh dahil sa mga reaction nila sa Facebook kaugnay ng posting ng isang katoto tungkol sa pagiging napakabait at napaka-generous na si Alden Richards na nagdaos ng thank-you party para sa press.

Sa mga “Comment” ng ilang kapwa reporter namin sa FB posting na ‘yon, may mga nagtanong kung manonood ‘yung FB writer ng Hermano Puli—gayung wala namang kinalaman ang pelikula ni Aljur sa posting nito. Pero  mukhang si Aljur ‘yung  pinasasaringan niyong FB writer na isang actor na parang kung-sino kung  umasta.

Sa isang press conference raw kasi ng actor na ‘yon, noong ‘di pa nagsisimula ang pormal na Question and Answer session, may itinanong ‘yung FB writer sa actor, at ang walang-pakundangang sagot umano ng aktor ay: “Puwedeng mamayang Q and A na lang ako sumagot para sabay-sabay na? Si Alden ay never na never umano na sumasagot ng ganoon sa kahit kaninong member ng press, diin ng FB writer.

Hindi sinagot ng FB writer ang mga tanong sa kanya ng mga katoto namin. Pero malamang nga na kung walang imbitasyon (na nangangahulugan ngang may “special consideration”), mabibilang lang sa mga daliri ng isang kamay ang miyembro ng showbiz press na susugod sa CCP para panoorin ang Hermano Puli  at Hele sa Hiwagang Hapis sa Agosto 13. Malamang ay mas maraming bloggers ang susugod doon.

Si Hermano Puli ay si Apolinario de la Cruz ng Lucban, Quezon na namuno ng isang samahan laban sa mga sakim na prayle at mga Kastila noong panahong hindi pa man isinisilang sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Antonio Luna. Ipinapatay si Hermano Puli ng mga magkakakuntsabang ganid na prayle at sakim na opisyal ng Spanish administration sa Pilipinas.

KITANG-KITA KO – Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

Sue Ramirez Dominic Roque

Sue napogian kay Dom kaya hinalikan-nagji-jell din ang interests namin

MASAYA at kalma ang aura ni Sue Ramirez ngayon. “Wow, thank you po. Actually masaya po talaga,” bulalas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *