Wednesday , December 25 2024

Mga vendor isinakripisyo ni pangulong mayor Erap Estrada

TINABLA at isinakripisyo na rin ni Pangulong Mayor Erap Estrada ang kawawang vendors kapalit ng muling pagbubukas sa trapiko sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue Divisoria.

Marami ang natuwa pero marami rin naman ang sumama ang loob sa biglaang aksiyon ni Yorme Erap lalo na ang hanay ng mga vendor sampu ng kanilang mga pamilya.

Hinaing nila, basta na lamang sila iniwanan sa ere samantala si Erap rin mismo ang nagbigay ng mga nakatakdang mga puwesto na matagal na rin nilang binabayaran sa city hall.

Malaking halaga rin daw ng salapi ang ipinanhik nila sa kaban ng Lungsod pagkatapos ay para na lang silang mga hayop na basta na lang itataboy at paaalisin.

Sa naging pananaw naman ng iba, mukhang nagpapakitang-gilas, nagpapaandar at tila sumisipsip ang Punong Lungsod sa bagong administrasyon ni Pangulong Digong Duterte dahil sa tagal niyang nakaupo bilang Alkalde ay hindi niya naisip ang hakbang na ito.

Kawawa rin naman anila ang mga vendor na hindi man lang naabisohan kung saan at kung paano na sila maghahanapbuhay ngayon.

Ang mabigat na tanong dito, saan na naman mananatili ang mga vendor?

Mahal na Alkalde, masyado ka raw yatang naging impulsive?

Hindi raw ninyo naisip na maski paano ay nagkaroon sila ng pakinabang sa Lungsod ng Maynila.

Kung ganoon rin lang ang inyong kalakaran upang makakuha ng pansin sa mga kinauukulan, mas bibilib at kapani-paniwala kung muli ninyong maiaalis sa pagsasapribado at muling buksan sa publiko ang Lacson Underpass.

Kayang-kaya n’yo ‘yan sir!

DOH NAGPA-RANDOM DRUG-TESTING RIN SA KANILANG HANAY

Bukod sa Philippine National Police (PNP), nag-random drug-testing na rin ang Department of Health (DOH) sa hanay ng kanilang mga empleyado at kawani sa kanilang departamento.

Napag-alaman na ang DOH, ang unang departamento sa administrasyon ni Pangulong Digong Duterte na nagsagawa ng ganitong aktibidad maliban sa PNP.

Ang drug-test ay sinimulan sa Regional Office ng DOH sa Region 4-B na binubuo ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) sa initiyatibo ng kanilang Regional Director na si Dr. Ed Janairo.

Lahat ng empleyado ng mga ospital at health centers na kinabibilangan ng mga doktor, nurses at iba pang health workers ay sumailalalim sa nasabing drug-test na sinimulan sa Palawan at nagtapos sa Mindoro kamakailan lang.

Umabot sa halos 3,000 katao ang sumuporta sa nasabing aktibidad sa pangunguna ni Dr. Ed Janairo. May iba rin na sinasabing mga kamag-anak ng health workers ang kusang-palong isinumite ang kanilang mga sarili.

Ano man daw ang kalalabasan ng resulta, negatibo man o positibo ay daraan at pag-aaralan mabuti ng mga hospital director, Regional Director at mga piling mga staff ng DOH.

Sinabi ni Dr. Janairo na ang mga lalabas na positibo ay nakaklasipika sa tatlong kategorya. Ang una ay mga tumikim lang o tinikman lang for curiosity, ang pangalawa ay mga gumagamit lang tuwing may occasion at happenings at ang pangatlo ay mga ikinokonsiderang drug-dependent na halos parte na ng kanilang buhay ang droga sa araw-araw.

Masusi raw na pag-aaralan ang mga kaso na sisimulan muna sa guidance kung medyo kaya pa itong makuha sa salita at pangaral at kung masyado naman grabe ang naging kaso ng indibiduwal ay aabot sa summary dismissal at rehabilitation.

Ayon kay Dr. Janairo, dati na nilang isinasagawa ang random drug-test sa kanilang mga empleyado kada ikatlong taon.

BINABATI NATIN ANG MGA BAGONG ‘ENKARGADO”

Congrats kay Tata Boyong na bukod sa hepe ng anti-crime unit ay ‘enkargado’ rin daw ng MPD PS-11 at PS-4.

Sobrang tikas siguro ni Tata Boyong para siya ay pagkatiwalaan sa puwestong ‘yan?

Madali ka kayang hanapin Sir!?

Binabati rin natin ang batang batang ‘enkargado’ ng MPD PS-2 na si Tata Dennis Ramos.

Sa aking pananaw, malayo ang kanyang mararating dahil sa kanyang prinsipyo at pagrespeto sa kapwa.

Good luck na lang sa inyo mga bossing!

YANIG – BONG RAMOS

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *