Sunday , May 11 2025

Sen. Miriam Santiago dinala sa ICU

DINALA sa intensive care unit ng Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor Santiago.

Ayon sa statement ng kampo ng senadora, sinabi ng asawa niyang si dating Interior Undersecretary Narciso “Jun” Santiago, Mayo 30 pa nang isinugod nila si Miriam sa ospital dahil sa komplikasyon sa lung cancer.

Ngunit tiniyak niyang walang dapat ikabahala sa kondisyon ng outgoing senator.

Sa katunayan nga raw, nagagawa pa rin magbiro at magpatawa ng senadora.

“Jun said that Miriam is bearing well with her trademark sense of humor,” bahagi ng statement.

Matatandaan, sa sulat na ipinadala kay Senate President Franklin Drilon noong Mayo 24, sinabi ng senadora na tuloy ang kanyang medical leave dahil sa kanyang sakit na cancer.

Nakararanas din daw siya ng anorexia dahilan upang humina ang kanyang katawan.

About Niño Aclan

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *