Saturday , November 16 2024

P3-M alahas natangay ng Dugo-dugo sa Cainta

TARGET ngayon ng Cainta PNP ang kuha ng CCTV-camera sa Pureza St., Sta. Mesa, Maynila para mahuli ang kilabot na miyembro ng “Dugo-dugo gang” na tumangay sa higit P3 milyong halaga ng mga alahas ng isang pamilya sa Cainta, Rizal.

Sa salaysay ni Jun Sanchez sa pulisya, laking gulat niya nang makitang bukas na ang kanilang vault at wala na ang mga ahalas nilang mag-asawa na umaabot sa P3 milyon.

Nabatid sa pulisya, dakong 11 a.m. kamakalawa, nakatanggap ng tawag sa telepono ang kanilang kasambahay na si alyas Tina.

Ayon sa tumawag na isang babae, siya ay sekretarya ni Sanchez na nakabundol ng bata at inutusan siya para kunin ang mga alahas bilang pampiyansa.

Sinabi ng babae sa kasambahay, nakakulong ang amo niyang lalaki habang ang among babae ang siyang nagbabantay sa bata na isinugod sa ospital.

Bunsod nito, winasak ng kasambahay ang vault, kinuha ang mga alahas at ibinigay sa babaeng nakausap sa telepono sa pinagkasunduan nilang isang lugar sa Pureza St., Sta Mesa, Manila.

Babala ng pulisya, mag-ingat sa kilabot na mga miyembro ng “Dugo-dugo gang” at agad itawag sa pulisya ang ano mang uri ng modus na maaaring nangyayari.

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *