Wednesday , May 14 2025

Kelot tigok sa boga

PATAY ang isang 39-anyos lalaki makaraan barilin sa loob ng kanilang bahay sa Balut, Tondo, Maynila kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Larry Galang Laygo, ng Building 10, Unit 215, Permanent Housing, Balut, Tondo.

Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 8:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Ester Cadilo, kasama niyang kumain ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay nang marinig niya na tinawag ng biktima ang kanyang nanay.

Pagkaraan ay narinig ang dalawang putok ng baril at nagulantang siya nang makitang nakabulagta na ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng droga ang motibo sa insidente.

About Leonard Basilio

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *