Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UP kontra Ateneo (Football Finals)

LUMALAPIT ang Ateneo Blue Eagles sa pagdagit ng titulo sa UAAP Season  78 men’s football tournament.

Naging bida sina Carlo Liay at goalkeeper JP Oracion para sa Ateneo nang talunin ang De La Salle Green Archers sa penalty shootout, 5-4 matapos ang 1-1 standoff sa 120 minutes na paglalaro sa semifinals noong Huwebes ng gabi.

Inangkas ni former rookie of the year, Liay ang Blue Eagles sa unahan, 5-4 habang nagpakita ng kagitingan si Oracion sa extra time para pauwiin ang Green Archers.

Kakalabanin ng Ateneo sa one-game championship ang University of the Philippines na pinatalsik ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 3-0 sa isang pares ng semis

Sa Huwebes mag-uumpisa ang kanilang laban sa alas-tres ng hapon sa Malate venue.

Nagkita ang dalawang Katipunan-based rivals sa finals noong 2012-13 season kung saan ay nanaig ang Eagles matapos walisin ang Fighting Maroons sa two games.

“UP is organized in defending and attacking.  We need to play our best on Thursday,” wika ni coach JP Merida, kasama sa Ateneo squad nang manalo ng three-peat noong 2004-06.

Nasa isip ng Eagles ang pagsungkit ng kanilang seventh title habang pakay ng Maroons na sikwatin ang 17th championship.

Sasalang din ang women’s team ng UP sa Championship kontra Lady Archers sa isang winner-take-all finale. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …