Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So haharapin si Liren

Nag-umento ang live rating ni super grandmaster Wesley So sa 2774.8 para upuan ang World’s No. 10 player.

Nadagdagan ng 1.8 puntos ang rating ni 22-year old So pagkatapos ng US Chess Championships na ginanap sa Saint Louis USA kung saan second place finish sa 12-player single round robin.

Nakalaban ng tubong Imus Cavite na si So sina reigning champion at No. 2 sa World rankings GM Fabiano Caruana (elo 2803), 2015 champion GM Hikaru Nakamura at former US champion GM Gata Kamsky.

Draw ang laro ni So kina Fabiano at Nakamura habang kinaldag niya sa first round si Kamsky.

May posibilidad pang tumaas ang ranking ni So dahil nakatakdang harapin nito ang pambato ng China na si GM Ding Liren na pang siyam sa World na may elo rating 2777.8.

Mag-uumpisa ang one-on-one duel nina So at Liren ngayong araw sa China.

Samantala, pagkatapos ni So kay Liren ay sasabak naman ang Pinoy sa Grand Chess Tournament kung saan makakalaban niya si reigning World champion GM Magnus Carlsen (elo 2855.1) at ibang mga bigating GMs sa top 10.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …