Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

GSW vs Portland (Western Conference Playoff)

SUMAMPA sa second round playoff ang Portland Trail Blazers matapos nilang patalsikin ang Los Angeles Clippers sa 2015-16 National Basketball Association,(NBA) playoffs.

Umarangkada si Damian Lillard ng 28 points para tulungan sa panalo ang Portland, pero makikilatis ang tikas nila dahil sunod nilang makakalaban ang defending champion Golden State Warriors na pinagbakasyon ang Houston Rockets.

Nag-ambag si CJ McCollum ng 20 points para tumulong din sa Blazers na lumuhod sa Games 1 at 2 bago kumadena ng panalo.

Humarabas sa opensa ng Clippers sina Jamal Crawford at Austin Rivers na may 32 at 21 points ayon sa pagkakasunod pero kinapos pa rin para isalba ang koponan.

Hindi nakalaro sina LA stars Blake Griffin at Chris Paul dahil sa kanilang injuries.

Ngayong umaga (Linggo ng gabi sa Amerika) ang Game 1 ng Golden State at Portland duel. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …