Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

X-man ni P-Noy na senatoriable bolero

THE WHO ang isang dating gabinete ni P-Noy na nangangarap maging Senador at iniyayabang ang matinong pagtulong sa kapwa.

Tip ng ating Hunyango, nang umupo raw si X-Man ehek! Si ex-cabinet member sa ahensiyang ipinagkatiwala sa kanya, aba’y naghakot nang naghakot pala ng mga bata niya.

Opo kumuha siya ng back hoe!

Para ikarga roon ang mga bata niya! (Joke!)

Katwiran ni sir, maasahan kasi ang kanyang mga tao kung kaya’t binitbit na niya para makatulong naman daw sa kanya at sa bayad! Ngak! Sa bayan!

Ano ba!

Tanggap naman daw sana ng mga antigong empleyado sa nasabing ahensiya ang pag-entra ng mga aso ‘este’ bata ni sir pero ang ‘di lang nila maatim kung bakit agad-agad naging regular ang mga kumag!

Napag-alaman na ang dami-dami palang Job Order o JOs ang status ng mga empleyado sa kaharian ni Sir pero hindi nareregular kahit na ilang taon na sila sa serbisyo at masasabing dedikado sa kanilang mga trabaho.

Gaya ng isang bata ni senatoriable shoot agad sa regular employee.

Anyare?

Iyan ba ng sinasabi ninyong good governance?

 Iyan ba ang matinong pamamalakad? Iyan ba ang matinong pagtulong sa kapwa?

 Heto pa, akala mo raw kung sinong magagaling at matitino ‘yong mga bata ni Sir, na ubod nang yayabang pero mga corrupt din naman pala?

Sa katunayan, nabulgar ang kabalbalan ng isa sa kanyang mga bata pero hindi sinibak sa trabaho ni Boos Tsip kundi inilipat lamang ng puwesto!

Ang galing galing ‘no?

Palakpakan!

O siya WHO-laan n’yo nga kung sino si sir na bago pa man kumandidato ay panay-panay na ang papogi at kahit na ‘di naman dapat papelan ay pinapapelan niya basta nakatutok ang kamera.

‘Nga pala corrupt nang corrupt din daw ‘yang x-man na ‘yan!

 Bwahahahahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …