Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tolentino: ‘Big One’ paghandaan

NANAWAGAN si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa nasyonal at lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila o tinatawag na ‘Big One,’ kasunod ng nangyaring pagyanig sa Japan at Ecuador kamakailan.

“Maigi na tayo’y handa sa ano mang posibleng mangyari dahil ang sakuna o trahedya ay maaaring mangyari ano mang oras,” wika ni Tolentino, na kilalang safety advocate at nagsusulong ng disaster preparedness.

“Hindi nga natin malalaman kung kailan mangyayari ang malakas na lindol ngunit maaari natin itong paghandaan,” dagdag ni Tolentino, na nakiramay din sa daan-daang namatay sa lindol sa Japan at Ecuador.

Kamakailan, tumama sa Japan ang magnitude-7.0 lindol habang nasa 7.8 ang lakas ng pagyanig sa Ecuador.

Sa taya ng mga eksperto, kung ganito kalakas na lindol ang tatama sa mga lugar na dinaraanan ng West Valley Fault, libo-libo ang maaaring mamatay.

“Dapat nating seryosohin ang paghahanda sa lindol dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng marami,” diin ni Tolentino.

Ayon kay Tolentino, malaking papel ang gagampanan ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa paghahandang ito.

“Kailangang alam ng ating mamamayan kung ano ang gagawin bago, habang at pagkatapos ng lindol. Malaking bagay ito sa pagdating sa disaster preparedness,” wika ni Tolentino.

Maliban dito, dapat nakahanda na sa mga estratehikong lugar ang mga kailangan kagamitan sakaling may mga gumuhong estruktura upang mas mabilis ang pagliligtas.

Sa panahon ni Tolentino bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA), naging aktibo ang ahensiya sa paghahanda sa lindol.

Si Tolentino ang nanguna sa pagsasagawa ng “Shake Drill” na nilahukan ng mahigit 6,000,000 katao sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Sa panahon din ni Tolentino naglagay ang MMDA ng website na bepreparedmetromanila.com  para sa mga hakbang tuwing may sakuna o trahedya gaya ng lindol.

( NIÑO ACLAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …