Friday , November 15 2024

Bongbong natuwa sa batikos (“May nagawa ako…”)

BINIGYANG-DIIN ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., patunay na mayroon siyang nagagawa at ang kanyang pamilya para sa mga mamamayan at sa bansa sa kanilang paglilingkod kung kaya’t patuloy ang mga negatibo at pagbatikos sa kanya lalo na ngayong kampanyahan.

Ayon kay Marcos, hindi siya nagagalit at hindi tinitingnan sa hindi magandang aspeto ang bawat banat at batikos laban sa kanya kundi ito ay maituturing niyang malaking balita at tulong sa kanyang kandidatura.

“When all of your opponents are attacking you, you must be doing something right and good , that’s how I take it,” ani Marcos.

Magugunitang ang kauna-unahang bumabatikos at tumitira kay Marcos ay mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Iginiit ni Marcos, kahit ano pa ang gawing paninira at pagbatikos sa kanya ng kanyang mga kalaban at ng ilang grupo, magpapatuloy ang kanyang kampanya ng pagkakaisa at para magtagumpay sa Mayo 9, 2016 elections.

Kaugnay nito, agad nilinaw ni Marcos na walang bago sa naging takbo ng debate ng mga bise presidente kamakalawa ng gabi.

Tinukoy ni Marcos na lahat ng patungkol sa kanya ay kanya na rin nasagot sa naunang debate na isinagawa ng CNN at Commission on Election (Comelec). Aminado si Marcos, hindi niya masyadong natutukan ang naturang debate dahil abala siya sa kanyang mga meeting at mga schedule ngunit paminsan-minsan aniya ay nasisilayan niya ito kapag nagpapahinga sandali at kapag bumibiyahe.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *