Sunday , December 22 2024

Matira ang matibay (Café France vs Phoenix-FEU)

UMABOT man sa sukdulan ang duwelo ng Cafe France at Phoenix-FEU ay magwawakas rin ito mamaya sa huling salpukan bg Bakers at Tamaraws para sa kampeonato ng PBA D-League Aspirants Cup.

Sa huling pagkakataon ay magtutuos ang Cafe France at Phoenix mamayang 3 pm sa  Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Puntirya ng Bakers ang ikalawang sunod na titulo matapos na mamayagpag sila sa Foundation Cup. Nais naman ng Phoenix na maging ikalawang koponang makakumpleto ng Cinderella finish sa liga.

Napuwersa ng Bakers sa winner-take-all Game Five ang Tamaraws matapos na magwagi sa Game Four, 100-94.  Nanalo rin ang Bakers sa Game Two, 86-77.

Ang Phoenix na binubuo ng nucleus ng UAAP champion Far Eastern University Tamaraws, ay nagwagi sa Game One (83-78) at Game Three (85-84).

Muntik nang wakasan ng Tamaraws ang serye noong Martes dahil sa nakabawi sila sa 82-68 kalamangan ng Bakers. Naibaba nila ito sa isang puntos, 89-88 sa huling 2:58.

Subalit winakasan ni Paul Zamar ang rally ng Phoenix  at pinalayong muli ang Cafe France, 94-88 may 1:08 ang nalalabi. Si Zamar ay nagtapos nang may game-high 25 puntos.

Maganda rin ang naiambag ng Congolese center na si Rodrigue Ebondo na nagtala ng 18 puntos at 13 rebounds.  Gumawa ng 17 puntos at walong rebounds si Carl Bryan Cruz samantalang nagdagdag ng 13 si Samboy de Leon.

“We showed character in Game Four. I hope we can do it again in Game Five,” ani Cafe France coach Edgar Macaraya,

Sa kabila ng pagkabigo sa Game Four ay naniniwala si Phoenix coach Erick Gonzales na kaya ng kanyang tropa na mamayagpag at makamit ang titulo sa kanilang unang torneo.

Ang Phoenix ay pinangungunahan ng Singapore Southeast Asian Games veteran Mac Belo kabilang na ang mga kakampi sa FEU na sina  Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell  at Richard Escoto, ReyMar Jose, Alfredo Tamsiat UST point guard Ed Daquioag.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *