Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reporter niratrat habang natutulog, patay

PATAY ang reporter ng Daily Tribune makaraan pagbabarilin sa loob ng isang bodega sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ni Senior Supt. Jose Hidalgo, chief of police, ang biktimang si Gemma Angeles, asawa ng isa ring reporter na nakaligtas sa pitong tama ng bala na si Fernand Angeles nang pagbabarilin noong 2012, nakatira sa Cattleya Compound, Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Ricardo Alapitan, natutulog ang biktima sa loob ng bodega nang pasukin ng hindi nakilalang suspek at pinagbabaril hanggang mamatay.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 pistola at drug paraphernalia.

Naniniwala ang mga awtoridad, may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga ang motibo sa pagpatay.

Bago nangyari ang krimen, ilang ulit na nakita ang biktima sa Pasig PNP Headquarters.

Maaaring naghinala ang mga suspek na ang biktima ang nagsusuplong kaugnay sa kanilang illegal na gawain.

Nagsasagawa na nang malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad para maaresto ang mga suspek at upang mabatid ang tunay na motibo ng pagpatay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …