Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MRT stands for Mar Roxas Talo — Vitangcol (Kaya laging kulelat)

TAHASANG sinabi ni dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol na hindi siya nagtataka kung bakit palaging kulelat sa mga naglalabasang survey si administration Presidential beat Liberal Party Secretary Mar Roxas dahil inihambing niya ito sa bagong kahulugan ng MRT na Mar Roxas Talo.

Iginiit ni Vitangcol na kahit nasa Daang Matuwid si Roxas, huwag magtaka kung matatalo siya dahil sa kasinungalingan.

“Naaamoy kasi ng taong bayan ang mga kasinungalingan niya,” ani Vitangcol kaya’t huwag magtaka kung laging talo si Roxas sa mga survey. 

Paalala ni Vitangcol, ang sinungaling ay totoo talagang kapatid ng magnanakaw.

Binansagan din ni Vitangcol si Roxas na 3-in-1 na ang ibig sabihin umano ay incompetent, incapable,  at ignorant kaya’t huwag magtaka kung bakit ayaw ng taong bayan na manalo sa darating na halalan. 

Magugunitang noong si Roxas ang kalihim ng DOTC,  limang beses lumiham si Vitangcol na bigyang pansin ang expiration contract ng Sumitomo ngunit ito ay binalewala ni Roxas.

Nagtataka rin si Vitangcol na hindi man lamang nagbigay ng ano mang komento kahit isa si Roxas sa lima niyang liham kaya itinutuiring niya itong incompetent.

“Roxas is an incompetent leader. If the country is to progress, vote for anyone but not Roxas,” ani  Vitangcol. 

Naninidigan si Vitangcol na huwag din paniwalaan ang pahayag ni DOTC Secretary Emilio Abaya na tatakbo ang mga train bago ang halalan.

“DOTC will make this run pero demo run lang ito, hindi talaga ito magagamit ng taong bayan, lalo ng commuters. Panloloko na naman ito,” giit ni Vitangcol.

Ani Vitangcol, na isa na namang itong panloloko ng ipinagmamalaking Daang Matuwid ng kasalukuyang adminitrasyon na nag-iendoso kay Roxas.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …