Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bongbong solong nanguna sa SWS

MAKARAAN mangibabaw sa Commission on Elections-sponsored vice presidential debate sa University of Santo Tomas sa Manila, napanatili ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pangunguna sa kanyang mga karibal, nang solong makuha ang top spot sa latest Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa First Quarter 2016 SWS Survey na isinagawa nitong Marso 30 hanggang Abril 2 gamit ang face-to-face interviews sa 1,500 respondents sa buong bansa, solong nanguna si Marcos sa 26 porsiyento sa kanyang closest rival na Senator Francis Escudero na bumagsak sa 21 porsiyento sa kanyang dating 28 porsiyento sa survey na isinagawa noong Marso 8 hanggang 11.

Sinundan siya ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo na may 19 porsiyento, bumaba rin ng 3 puntos mula sa 22 puntos. Nasa ikaapat na puwesto si Senator Allan Peter Cayetano sa 13 porsiyento. Habang tabla sa ikalimang puwesto sina Senators Gregorio “Gringo” Honasan at Antonio Trillanes sa 5 porsiyento bawat isa. Ang survey ay may margin of error na ±3 points.

Sa dalawa pang ibang survey, may nakita ring momentum kay Marcos. Sa Manila Broadcasting Company (MBC)-DZRH Third Wave Survey Result noong Abril 2, 2016, si Marcos ay nakakuha ng 29.8 porsiyento bilang solo lead sa kanyang mga kari-bal.

Nanguna rin si Marcos sa Pulso ng Pilipino non-commissioned polls na isinagawa ng Issues and Advocacy Center, nakakuha siya ng 27 percent vote share, 3 porsiyentong mas mataas sa kanyang closest rival na si Escudero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …