Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot niluray ng 2 holdaper sa taxi

TARGET ng manhunt operation ng mga awtoridad ang taxi driver at kasama niyang holdaper makaraan halinhinang gahasain ang isang 25-anyos babae na itinapon nila sa isang subdibisyon sa Angono, Rizal kamakalawa.

Itinago ang biktima sa pangalang Annaliza, 25, finance associate, at nakatira sa Cavite City.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Rogelio San Juan, dakong 5 a.m. nang humingi ng saklolo ang biktimang nakagapos ang mga kamay at walang saplot pang-ibaba makaraan itapon ng mga suspek sa Luxury Villa sa Nieves Hills, Brgy. San Isidro, Angono.

Sa salaysay ng biktima, sumakay siya sa taxi dakong 1:30 a.m. sa 5th Ave. kanto ng 26th Ave., Fort Bonifacio, Taguig City at nagpahatid sa kanyang apartment sa Makati City.

Ngunit pagsapit sa Guadalupe EDSA ay naghudyat ng holdap ang driver habang lumabas mula sa compartment ng taxi ang isa pang suspek.

Aniya, habang bumibiyahe ay halinhinan siyang ginagahasa ng mga suspek sa loob ng taxi.

Mula Makati, Mandaluyong, Pasig, Marikina, Antipolo at Angono, Rizal ay ilang ulit aniya siyang hinalay ng mga suspek hanggang makarating sa nabanggit na subdibisyon.

Iginapos aniya ang dalawa niyang mga kamay at itinapon siya sa madilim na bahagi ng lugar.

Bago tumakas ay tinangay ng mga suspek ang bag, cellphone, relo at wallet ng biktima na may lamang P2,500.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …