Friday , November 15 2024

Bongbong ‘binugbog’ sa VP debate

TINANGKANG igupo ng mga kalabang vice presidential bets si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pamamagitan ng pagbuhay sa isyung ipinupukol sa kanilang pamilya tungkol sa martial law at ill-gotten wealth sa ginanap na vice presidential debate sa University of Sto. Tomas, kahapon.

Tila bola ng ping-pong na pinapasa-pasahan si Bongbong ng kanyang mga katunggaling sina senators Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV, Francis Escudero at Rep. Leni Robredo.

Kasunod nito, sumigaw ng kanilang old martial law chant na “Marcos , Hitler, Diktador, Tuta” ang mga kasapi ng CARMMA ngunit mabilis na naitaboy ng mga security personnel.

Halos lahat ng mga nabanggit na vice presidential bets ay si Bongbong ang binato ng mga katanungan.

Naging kalmado si Senador Gregorio Honasan sa kabuuan ng debate sa kabila ng pagbatikos sa kanyang presidential candidate na si Vice President Jejomar Binay.

Aminado si Marcos na inaasahan na niya ang nagyaring pagdidiin sa kanya ng mga katunggali pero aniya, pinaghandaan niya ang debate at lahat ng posibleng tanong na ipukol kung kaya’t naniniwala siyang nasagotniya  nang tama.

Naghamunan sina Bongbong at Cayetano na mag-withdraw ang isa sa kanila sino man ang nagsisinungaling.

Bukod sa mga audience na nasa loob ng bulwagan, napuno rin ng supporters ng vice presidential bets ang kahabaan ng España Blvd., sa harap ng UST.

Maging ang host ay nagulat sa mainit na debate sa pagitan ng ilang kandidato.

Aminado rin ang host ng debate na halos ang mahabang oras ng debate ay nakatuon kay Marcos.

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *