Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginang nagbigti sa naudlot na outing

NAGBIGTI ang isang 34-anyos negosyanteng ginang nang maudlot ang planong outing makaraang mag-away sila ng kanyang mister sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO3 Andrew Focasan ang biktimang si Rosemarie Indino-Cabatuan, nakatira sa Kayumanggi St., Karangalan Village ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 3 p.m. nang matagpuan nina Rowena Cabatuan, 23, at Jane Cabatuan, 27, kapwa beautician, ang biktimang nakabigti sa loob ng kanyang parlor sa 26 CRV Bldg., Felix Avenue, Karangalan Gate-2.

Nauna rito, plano ng biktima at ng kanyang mister na si Bernard Junio Santomin na mag-outing sa Daranak Falls sa Tanay, Rizal. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nag-away ang mag-asawa dakong gabi.

Sinasabing bunsod nang matinding depresyon dahil hindi matutuloy ang kanilang outing ay nagpasyang magbigti ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …