Saturday , May 17 2025

Dating gabinete ni P-Noy na senatoriable bait-baitan?

MALAPIT-LAPIT na tayong mamili ng mga bagong mamumuno sa ating bansa at karamihan sa kanila sinasabing makabayad ‘ehek’ makabayan daw, maka-Diyos, maka-mahirap, may kakayahang mamuno bilang lider.

Kung kaya’t kanya-kanyang paandar, pakulo, pautot, paek-ek ang mga kandidato natin pero sa totoo lang naman ‘di natin lubos na nakikilala ang ilan sa kanila kung tunay ang kanilang pinagsasabi o kung mga bolero’t bolera lang.

Kung tayo ang tatanungin makikita ang tunay na makabayan at may pusong kandidato kung paano niya itrato ang kanyang mga tauhan o empleyado.

Korakakak ba?

Simple lang naman ang lohika riyan, paano magmamalasakit o ipagtatanggol ang kapakanan ng ibang tao kung mismong mga tauhan na pinakikinabangan nila ay hindi maayos ang pagtrato sa kanila.

Parang one plus one lang ‘yan equals two!

Hak hak hak hak!

Katulad na lamang nitong senatoriable na dating gabinete ni P-Noy na nagbait-baitan sa pangangampanya pero halimaw sa mga empleyado niya?

Parang maamong tupa kapag nakita ninyo.

Timbre ng ating Hunyango, grabe raw kung magpatrabaho si senatoriable na itago na lang natin sa pangalang ‘Patilya’ dahil lagpas dose oras kung mag-duty ang mga empleyado niya!

Ayos lang naman sana kahit 24 oras pa ang trabaho nila siguro if the price is right, ang kaso si Patilya under minimum wage ang pasuweldo at wala pang overtime!

Tinamaan ng kidlat ‘yan!

May gana ka pang kumandidato?!

Hindi lang ‘yan, dahil bukod sa hindi sumusunod sa batas si Patilya, kung mura-murahin pa raw ang kanyang mga empleyado mula buhok hanggang kuko!

Bwar har har har! Buhok talaga ha!

O ngayon, ano kaya ang aasahan ng labor sector dito kay Patilya?

E ‘di nganga!

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!

Malayong-malayo ka Patilya sa kakilala kong employer na may malasakit talaga sa kanyang mga empleyado may nakakakita man o wala, may kamera man o wala basta siya tulong nang tulong pati sa ibang tao.

‘Yun ang tunay na lingkod bayan.

E ikaw? Toink toink!

Balita namin ‘e panay ang ikot ni Patilya sa iba’t ibang lugar pero ‘di umaalingawngaw o ume-echo ang kanyang pangalan sa top 10 survey!

Asa pa siya o!

Gets n’yo na ‘yan kung sino si Patilya na walang ka-energy-energy sa benepisyo ng kanyang mga tauhan!

Gets ko na ‘yan!

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *