GUTOM na gutom sa panalo ang 6 na Pinoy boxer na lalahok simula ngayong Marso 23 sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Qian’-An, China para makuwalipika sa Rio Olympics.
Iniayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson ang line-up na kinabibilangan nina Rogen Ladon (light flyweight, 49 kg.) Roldan Boncales (flyweight, 52 kg.), Mario Fernandez (bantamweight, 56 kg.), Charly Suarez (60 kg.), Eumir Felix Marcial (welterweight, 69 kg.) at Nesthy Petecio (women’s flyweight, 51 kg.).
Ang anim ay bahagi ng 14 na boksingerong lumahok sa whirlwind 18-day training camp sa apat na lungsod sa West Coast sa Estados Unidos.
Ibinatay ang roster sa rekomendasyon ng apat na national coach na nakasama ng mga Pinoy boxer, na sina deputy head coach Nolito Velasco, women’s head coach Roel Velasco, 3-star AIBA coach at 3-time Olympian Romeo Brin at ang nag-iisang babaeng coach sa ABAP na si Mitchel Martinez.
Hindi nakasama sa US si ABAP head coach Pat Gaspi dahil pumunta siya sa Manchester, England para dumalo sa pagpupulong ng AIBA Coaches’ Commission na miyembro rin si Gaspi bilang chairman ng Asian Coaches Commission.
Ayon kay Picson, nasa tamang kondisyon ang mga Pinoy dahil talagang pinaghandaan na makuwali-pika sa Olimpiyada sa mit-hiing makapagtala ng gintong medalya at kara-ngalan para sa Fi-lipinas.
“Our boxers are at their peak. Ang focus nila ngayon ay makapasok sa Rio para mapatunayan nilang tunay na puwersa sa boxing ang ating bansa,” kanyang diin.
ni Tracy Cabrera