Friday , November 15 2024

Ayaw kong makampante — Bongbong

PAGOD man ay masaya at kompiyansang humarap si vice presidential candidate Bongbong Marcos sa mga taga-Cainta na nagkakaisang sumalubong at sumama sa kanya sa pag-iikot sa pangunguna ni Mayor Kit Nieto. (JERRY SABINO)

AYAW makampante ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung kaya kahit itinuturing na isa sa baluwarte niya ang lalawigan ng Rizal ay umiikot pa rin siya sa lalawigan.

Ayon kay Marcos hindi dapat maging relax ang tulad niya sa kabila na batid niya ang suporta ng mga Rizaleños.

Hindi naitago ni Marcos ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga mamamayan ng Cainta lalo sa ipinakitang sobrang init na pagsalubong sa kanya at ipinakita ang sinasabing One Cainta.

Nagbiro si Marcos na tinalo pa ng mga taga-Cainta ang ginagawa sa kanyang pagsalubong ng mga taga-Norte sa Ilocos.

“Alam n’yo po, nakatutuwa talaga, halos hindi na ako makapagsalita sa tuwa dahil hindi ko po talaga akalain na ganito ang salubong na ibibigay ninyo sa akin,” ani ni Marcos na halos maluha sa ginawang pagtrato sa kanya ng mga mamamayan ng Cainta.

“Mapapahiya po ang mga salubong na ibinibigay sa akin sa Ilocos Norte. Sa Norte ‘e sasabihin ko, luma kayo ng Cainta. Naluma ‘yung mga Ilocano sa mga Tagalog,”  dagdag ni Marcos.

Inamin din ni Cainta Mayor Kit Nieto na ito ang unang pagkakataon na lubha siyang napagod at grabe ang kanilang paghahanda sa pagdating ng isang anak ng Marcos na dating lider ng bansa na hindi nakalimot sa kanilang mga mamamayan ng Cainta.

”Marami na kaming tinanggap na bisita, pero ngayon lang ako napagod… dahil inaasam ko na iparamdam sa ating bisita na ang mga tao sa Cainta ay mga taong nagmamahal sa kanya,” ani Nieto.

Aniya, bagamat marami na ang sinabi ukol sa ama ng senador ay mayroon siyang sariling bersiyon.

”Noong panahong iyon, ang tatay ko umuuwi ng alas- 12 ng hatinggabi, ‘pag umuwi siya ng ala-una hinuhuli siya ng pulis. Kaya’t tuwang-tuwa ang nanay ko dahil maaga siyang umuuwi,” dagdag ni Nieto.

”Nakikita naman natin iyon e, hindi naman natin nadadaya ang tunay na nararamdaman ng mga tao. Kaya pag tayo’y nagtaya, nagtataya tayo. Tinatanggap natin lahat ng bisita, nagbibigay lang tayo ng diin sa mga taong inaakala nating kakampi at kasama natin habambuhay,” git ni Nieto.

( NIÑO ACLAN )

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *