Friday , November 15 2024

Nega deadma kay Bongbong

PIAT, Cagayan —WALANG balak si Vice Presidential candidate Senator Ferdinand Marcos na pansinin at patulan ang mga grupo at indibidwal na naglalabas ng negatibo laban sa kanya.

Ayon kay Marcos iginagalang niya ang bawat opinyon ng indibidwal ngunit aniya kanyang ipagpapatuloy ang kanyang kampanya upang suyuin ang publiko.

Binigyang-linaw ni Marcos na normal na ang siraan at negatibo sa tuwing magkakaroon ng kampanya ngunit sa kabila nito ay kanyang ipagpapatuloy ang kanyang itinutulak na pagkakaisa sa bawat mamamayang Filipino anoman ang pinangaglingan na lugar at probinsya o lungosd.

Naniniwala si Marcos na mulat na ang taong bayan sa katotohanan at mapanuri na kung kaya’t kanilang maihahalal ang karapat-dapat sa puwesto,.

Bukod sa pangangampanya para sa kanyang kandidatura, pinayuhan niya ang publiko na pag-aralang mabuti at piliin kung sino ang karapadat-dapat sa bawat puwesto sa pamahalaan ngayong darating na halalan mula sa pinakamataas na puwesto hanggang local government. 

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *